Jed Madela, ipinakita ang loob ng kanyang nabiling bahay at ipinasilip din ang kanyang toy collection

Binuksan ni Kapamilya multi-awarded singer Jed Madela ang kanyang tahanan sa lahat kung saan ay ipinakita niya ang katas ng kanyang pagsisikap sa loob ng 15 taon na pagtatrabaho sa showbiz.

Credit: Jed Madela Instagram

Sa house-tour na ibinahagi ng Star Magic sa kanilang YouTube channel, isa-isang ipinakita ni Jed ang favorite spots niya sa kanyang bahay.

Credit: Star Magic YouTube

Unang ipinakita ni Jed ang kanilang kitchen at dining area kung saan madalas siyang nagluluto. Ngayong lockdown daw ay nadiskubre ni Jed ang kanyang hilig sa pagluluto. Sa katunayan, ikinuwento ni Jed na isa sa mga na-eenjoy nila ngayong qu@rantine ay ang pagluluto ng iba’t ibang international cuisine.

Credit: Star Magic YouTube

Kagaya ng karamihan ay certified plantito rin si Jed. Sa kanyang dining room ay makikita ang koleksyon niya ng potted plant.

Credit: Star Magic YouTube

Kwento ni Jed, “Lately, kasi nga l0ckdown, wala tayong masyadong magagawa, hindi tayo masyadong lumalabas. So we try our best to keep ourselves busy. And lately pumasok ako into the wonderful world of taking care of plants. Pero dati pa naman mahilig na kami sa halaman kasi ‘yung mommy ko sobrang hilig niya mag-garden. Ngayon lang ako sobrang into potted plants.”

Credit: Star Magic YouTube

Sunod na ipinakita ni Jed ang lounge/prayer area ng bahay kung saan niya nahanap ang “peace and relaxation” para sa sarili.

Aniya, “Nagpagawa kami ng altar dito. Isa sa favorite spots ko, favorite area ko sa bahay ko ang prayer area namin. Siguro dito ako nakahanap ng peace and relaxation, and time for myself, time to meditate, time to say my prayers and talk to God.”

Credit: Star Magic YouTube

Sa hallway naman papuntang hagdanan ay makikita ang ilan sa mga art pieces niya na iniregalo sa kanya ng mga kaibigan. Kabilang sa painting na pagmamay-ari ni Jed ay ang likha ni Kapuso Dabarkads Paolo Ballesteros.

Credit: Star Magic YouTube

Ipinagmalaki naman ni Jed ang kanyang koleksyon ng Funko toys. Taong 2018 nang magsimulang mangolekta ng Funko toys si Jed at sa dami na ng kanyang koleksyon, ay isang buong kwarto mismo ang nakalaan para sa mga ito.

Credit: Star Magic YouTube

Ayon pa sa singer-songwriter, dito raw niya madalas nilo-lock ang kanyang sarili kapag nararamdaman niyang “toxic” na ang mundo..

Credit: Star Magic YouTube

Para kay Jed, “Siguro ‘yun ang pinaka-therapy ko. It reminds me of childhood. It reminds me of how simple things were when I was a kid. Nakaka-nostalgic ng feeling na when I see toys it makes me happy. It makes me relax.”

Credit: Star Magic YouTube

Sunod na ipinakita ni Jed ang kanyang dating entertainment room na ginawa niyang creative studio para sa paggawa niya ng iba’t ibang digital at video content. Dito rin ginagawa ni Jed ang kanyang mga laruan.

Credit: Star Magic YouTube

Aniya, “Lately, I discovered a new passion. I got into art toy designing. My very first art toy is going to be released soon and his name is Voodoo.”

The post Jed Madela, ipinakita ang loob ng kanyang nabiling bahay at ipinasilip din ang kanyang toy collection appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments