Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nagsalita na tungkol sa napapabalitang magpapakasal na sila

Maraming netizen ang kinilig sa mga ibinahaging larawan ng mga ina nina celebrity real-life couple Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Instagram na tila pasilip sa detalye ng kasalan ng KathNiel.
Dahil dito, ay hula ng netizens na ikakasal na ang KathNiel.

Credit: ABS-CBN News YouTube      

Mukhang nagkatotoo naman ang espekulasyon ng netizens na ikakasal na nga ang kanilang kinagigiliwang on-and-off screen partners. Iyon nga lang ay hindi sa totoong buhay, kung hindi sa kanilang paparating na digital movie series sa ilalim ng Star Cinema.

Credit: ABS-CBN News YouTube

Ito ang inanunsyo ng KathNiel sa panayam nila kay MJ Felipe sa “TV Patrol” noong September 29. Ibinalita ng KathNiel sa kanilang fans na magpapakasal sila sa kanilang balik-tambalan serye na pinamagatang ‘The House Arrest of Us’.

Ani ng KathNiel, “We’re getting married!”

Credit: ABS-CBN Star Cinema YouTube 

Pagkatapos ng ilang segundo ay dinugtungan nila ito ng, “… sa pinakabagong handog sa ating lahat ng Star Cinema. The first ever digital movie series, ang ‘The House Arrest of Us.'”

Kagaya ng kahulugan ng salitang ‘house arrest’, ay tungkol sa dalawang taong na-l0ckdown sa iisang bahay kasama ang kani-kanilang pamilya ang romantic digital movie series.

Credit: ABS-CBN News YouTube

Matatandaang huling nagsama sa iisang proyekto ang KathNiel noong 2018 sa romantic drama movie nila na ‘The Hows of Us’ sa ilalim ng dereksiyon ni Cathy Garcia-Molina.

Kapansin-pansin naman ang pagkakalapit ng pamagat ng bagong serye ng KathNiel sa huling proyektong pinagsamahan nilang dalawa. Hindi tuloy maiwasang tanungin ang KathNiel kung sequel ba o part two ng pelikula ang bagong digital movie series.

Credit: ABS-CBN News YouTube

Klinaro naman ni Kathryn na walang koneksyon ang serye sa huling pelikulang pinagsamahan nila ni Daniel. Ayon sa aktres, “It’s not a sequel. Basically, hindi naman siya connected sa ‘The Hows of Us.’ It is a family series and nandun din ‘yung romance, halo-halo siya but it’s not related kay George at Primo.”

Credit: ABS-CBN News YouTube

Maliban sa KathNiel ay kaabang-abang din ang cast ng digital movie series. Ilan sa co-stars ng KathNiel ay sina Ruffa Gutierrez, Gardo Versoza at Dennis Padilla.

Credit: ABS-CBN News YouTube

Mayroon namang dalawang paraan upang mapanood ng mga tagahanga ng KathNiel ang bagong serye. Magsisimulang umere ngayong October 24 sa ‘ktx.ph’ ang ‘The House Arrest of Us’. Mapapanood din ang digital movie series ngayong October 25 sa ‘iwantTFC’.

Panoorin ang buong panayam sa KathNiel dito:

The post Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nagsalita na tungkol sa napapabalitang magpapakasal na sila appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments