Ivana Alawi, may surpresang ibinigay sa kuya na si Hashim na naging dahilan para maging emosyonal ito

Ang aktres at YouTube vlogger na si Ivana Alawi ay nakilala mula sa kanyang mga pranks at challenges, na talaga namang kinagiliwan ng publiko mula sa mga naging b!ktima nito sa kaniyang mga videos ng makasama ang ilan sa kaniyang mga kaibigan sa showbiz pati na rin ang kaniyang pamilya.

Credit: Ivana Alawi YouTube     

Ngunit ang iyong masisilayan ay hindi prank o challenge, kundi ay isang munting sorpresa na ginawa ni Ivana para sa kanyang Kuya na si Hashim.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Sa video na in-upload ni Ivana, ang tanging alam ni Hashim ay bibisitahin nila ang lupa na binili ni Ivana para sa kanilang pamilya, ngunit ang hindi alam nito ay isang sorpresa pala ang naghihintay para sa kanya.

Credit: Ivana Alawi Instagram

Plano ni Ivana na regaluhan si Hashim ng gamit na kaniyang magugustuhan bilang pasasalamat sa pagiging supportive brother nito sa kanilang dalawa ng kanilang bunsong kapatid na si Mona. Ngunit agad naman itong tinanggihan ni Hashim, dahil ayon umano sa kaniya ay hindi niya ito magagamit at dahil bukod sa meron sya ng mga ito ay tiyak na masasayang lamang.

Kaya naman naisipan ni Ivana na regaluhan ang kaniyang Kuya ng isang lupa na siyang tiyak na magagamit nito, hindi lamang para sa kanya kundi pati na rin sa magiging pamilya niya sa future.

Sa kanilang pagpunta sa lupa na binili ni Ivana para sa kanilang pamilya, ipinakita ng aktres ang magiging itsura at disenyo ng itatayong dream house ng kanyang mama mula sa lupa na kanyang binili.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Pagkatapos nito, sunod naman nilang pinuntahan ang lupa na binili niya para kay Hashim.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Mula sa video ay makikitang hawak-hawak ni Ivana, ang isang case bag na kung saan ay laman nito ang titulo ng lupa na nakapangalan mismo sa kanyang kapatid na si Hashim.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Nang buksan ni Hashim ang naturang bag, bakas sa mukha nito ang pagtataka at nang sabihin ni Ivana na ito’y kanyang sorpresa, hindi napigilan ni Hashim ang maging emosyonal sa kanyang nakita at nalaman.

“This is too much, Mariam. I can’t believe it.”

Credit: Ivana Alawi YouTube

Hindi man nakasama si Mona sa naturang sopresa, labis naman ang kasiyahan nito para sa kaniyang Kuya Hashim na ayon sa kanya, deserve nya lahat ito sa kabila ng pagiging supportive brother nito sa kanilang dalawa ng kanyang Ate Ivana.

The post Ivana Alawi, may surpresang ibinigay sa kuya na si Hashim na naging dahilan para maging emosyonal ito appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments