Kasal nina Angel Locsin at Neil Arce, hindi na matutuloy ngayong taon

Maraming plano sa taong ito ang ganap na nagbago dahil sa c0v!d. Isa nga rito ang kasal ni Kapamilya actress Angel Locsin at film-producer Neil Arce.

Credit: Angel Locsin Instagram     

Matatandaang Hunyo noong nakaraang taon nang inanunsyo nina Angel at Neil ang kanilang engagement. Isa sa mga inaabangan ng lahat na ngayong taon ay ang kanilang pag-iisang dibdib. Sa katunayan, tinagurian na isa sa mga wedding of the year ang kasal sana nila Angel at Neil. Ngunit dahil sa p@ndemya ay napagpasyahan nina Angel at Neil na i-reschedule ang petsa ng kanilang kasal sa susunod na taon.

Credit: Angel Locsin Instagram

Ito ang ibinahagi nina Angel at Neil sa kanilang panayam sa Metro.style. Ani Neil, “It’s going to be moved to early next year. But, of course, it depends on the situation with the p@ndemic.”

Credit: Angel Locsin Instagram

Ikwenento rin ni Neil na naisip umano nilang magkaroon nalang ng isang intimate wedding ngunit dahil marami silang kaibigan ni Angel na gustong imbitahan kaya mas pinili nilang hindi nalang muna ituloy ang kasal.

Credit: Angel Locsin Instagram

“We were thinking, ‘Should we do it small?’ But that’s not us eh. We’re friends, we have group of friends. We want everyone to be there. We want everyone to have fun.”

Credit: Angel Locsin Instagram

Nais din ni Neil na bigyan ng isang engrandeng kasal ang aktres. Kagaya ng ibang groom, nais Neil na maging espesyal at memorable para kay Angel ang kanilang kasal.

Credit: Angel Locsin Instagram

Kwento ni Neil, “And you know, Angel didn’t attend their prom. She didn’t have a debut. So this is the only big party she’s going to have.”

Credit: Angel Locsin Instagram

Sa naturang panayam din ng celebrity couple ay ibinahagi ni Angel na mas hands-on umano si Neil kaysa sa kanya.

Credit: Angel Locsin Instagram

Ani Angel, “Ako kasi yes or no lang, okay o hindi. Ganun lang ako. Pero nahanap na niya ‘yun lahat. Iye-yes or no ko na lang sa kanya. Ganun siya.”

Credit: Angel Locsin Instagram

Dagdag ni Angel, “Actually, kailangan namin ulitin ‘yun planning. Tapos na dapat siya eh. Better na safe ang lahat at confident na walang s@kit, so I think best decision namin na i-move na lang ‘yung wedding.”

Credit: Angel Locsin Instagram

Bago sila naging magkasintahan, naging matalik na magkaibigan muna sina Angel at Neil. Sa kasalukuyan, ay parehong abala sa kanilang charity works sina Angel at Neil. Nitong September 24 lang din ay unang ibinahagi ng celebrity couple ang kanilang unang vlog sa YouTube joint channel nilang “The Angel and Neil Channel”.

The post Kasal nina Angel Locsin at Neil Arce, hindi na matutuloy ngayong taon appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments