Anak ni Gretchen Barretto na si Dominique, masayang inanunsyo ang kanyang pagtatapos bilang Magna Cum Laude sa kanyang pangalawang kurso

Namumukod tangi sa lahat ang unica hija nina actress Gretchen Barretto at business magnate Tonyboy Cojuangco na si Dominique dahil sa edad na 25 taong gulang ay dalawang international degree na ang natamo nito.

Credit: @dominique Instagram

Kamakailan lamang ay nagtapos sa kursong Associate of Arts in Merchandising and Marketing sa Fashion Institute of Design & Merchandising (FIDM) sa San Francisco, California si Dominique.

Credit: @dominique Instagram

Sa Instagram ay nagbahagi ng isang larawan si Dominique suot ang kanyang itim na toga. Hindi isang karaniwang estudyante si Dominique dahil nagtapos ito bilang Magna Cum Laude ng kanilang batch.
Dahil may p@ndemya, ay ginanap online ang kanyang graduation ceremony.

Sa caption ng IG post ay sinabi ni Dominique, “#FIDMGraduation live done. Magna Cum Laude, but fell a little bit short of the Cyril Magnin award”

Credit: @dominique Instagram

Ito na ang pangalawang kursong tinapos ni Dominique. Matatandaang taong 2017 ay nagtapos ito sa kursong Fashion Design sa sikat na fashion school sa London na Instituto Marangoni.

Sa panibagong achievement ng anak ay hindi naman maitago ni Gretchen kung gaano siya ka-proud sa anak.

Credit: @metrodotstyle Instagram

Komento ni Gretchen sa IG post ni Dominique, “Thanks for a lovely Breakfast my baby love congratulations”

Credit: @dominique Instagram

Nagpaabot din ng kanilang pagbati ang ilang kaibigan ni Dominique sa showbiz. Kabilang dito sina Ria Atayde, Sofia Andres at Laureen Uy.

Mensahe ni Ria, “Proud of you always!!”

Saad naman ni Sofia, “That’s my Dom!”

Credit: @dominique Instagram

Ani ni Laureen, “Congrats babe”

Samantala, taong 2017 nang mag-debut si Dominique bilang isang fashion designer. Inilunsad ni Dominique ang kanyang kauna-unahang koleksyon ng mga damit na pinangalanan niyang “La Doña”.

Sa panayam ni Dominique sa Preview.ph, ikwenento nito na ang kanyang mga likha ay Philippine-inspired umano.

Credit: @dominique Instagram

Ani ng fashion designer, “As clichè as it sounds, I pulled inspiration from the Philippines. With emphasis on the word ‘inspired,’ I wanted my clothing to exude the elegance of a Filipina woman without blatantly screaming where I took my inspiration from. I looked at photographs of ‘old’ and ‘new’ Manila for color, using a vivid palette because Filipinos are known for their bright and sunny dispositions.”

The post Anak ni Gretchen Barretto na si Dominique, masayang inanunsyo ang kanyang pagtatapos bilang Magna Cum Laude sa kanyang pangalawang kurso appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments