Isabelle Daza, ikinagulat ang naging sagot ng inang si Gloria Diaz nang tanungin kung ilang lalaki na ang nakarelasyon niya

Isang question-and-answer portion ang naganap sa pagitan ng mag-inang Gloria Diaz at Isabelle Daza habang ini-enjoy nila ang kanilang bakasyon sa Calatagan, Batangas.

Credit: Isabelle Daza Instagram      

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Isabelle ang isang video kung saan makikita siyang ini-interview ang kanyang ina habang nagje-jetski.

Credit: Isabelle Daza Instagram

Sa caption ng IG post ay sinabi ni Isabelle na may ilang bagay daw siyang gustong malaman tungkol sa ina. Kabilang na rito kung ilang lalaki na ang naka-hook up ng kanyang ina.

Aniya, “Snippet of my first weekend back with my mom @gloria.diaz69. Just asked her a few things i was curious to know…😛

Credit: Isabelle Daza Instagram

Pagsisimula ni Isabelle, “Now tell me, how many guys did you hook up with in your life?”

Pabirong sinagot naman ito ni Gloria, “Maybe one every other week.”

Ikinagulat naman ni Isabelle ang mga sagot ng kanyang ina. Makikita sa ekspresyon ng mukha ni Isabelle na hindi siya naniniwala sa ina kaya’t hinikayat niya ang kanyang ina na sabihin ang totoo. Ani Isabelle, “The truth!”

Sagot ni Gloria, “Three”

Credit: Gloria Diaz Instagram

Hindi pa rin naniniwala si Belle na tatlo lang ang lalaking nakarelasyon ng ina.

Kaya saad ni Gloria, “Sige na nga five!”

Mukhang interesado talaga si Isabelle sa love life ng ina kaya gusto pa nitong pangalanan ni Gloria ang dalawa sa limang nakarelasyon nito.

Saad ni Isabelle, “Okay name two”

Credit: Gloria Diaz Instagram

“My husband and my boyfriend and maybe someone yet in the future. It’s never too late,” sagot namin ni Gloria.

Matatandaang pagkatapos maghiwalay nina Gloria at ang asawa nitong si Bong Daza, isang restaurateur-businessman, ay naging nobyo ni Gloria si Mike de Jesus na isang banker.

Credit: Gloria Diaz Instagram

Samantala, maliban sa lovelife ay tinanong din ni Isabelle kung anong mga pinagkakaabalahan ng ina ngayong panahon ng p@ndemya.

Kwento ni Gloria, “Most important I guess is cleaning the house very well. Looking into my health issues if I have any. Taking time to slow down and enjoy the simple things in life.”

Credit: Gloria Diaz Instagram

Ibinahagi rin ni Gloria ang mga natutunang niyang aral sa panahon ng p@ndemya. Ani Gloria, “Well number one, spending time with the family is very important. Spending time in nature, taking care of my plants. Sharing with people what you can afford to share. Many things.”

Si Gloria Diaz ang kauna-unahang Filipina na nag-uwi ng titulong Miss Universe noong 1969. Hindi lang siya tumatak sa lahat dahil siya ang unang Miss Universe ng Pilipinas kung hindi dahil din sa kanyang galing sa pag-arte. Sa katunayan, pati sa international scene ay kilala rin si Gloria.

Credit: Gloria Diaz Instagram

Kamakailan lang ay pinabilib ni Gloria ang lahat dahil sa kanyang galing sa pag-arte nang gumanap siya bilang si Gloria Reyes, isang dating beauty queen na naging pageant coach sa Season 2 ng sikat na Netflix series na “Insatiable”.

The post Isabelle Daza, ikinagulat ang naging sagot ng inang si Gloria Diaz nang tanungin kung ilang lalaki na ang nakarelasyon niya appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments