Jinkee Pacquiao, ibinida ang kanyang mamahaling halaman na nagpabilib sa napakaraming Plantito at Plantita

“May nanalo na!”

Ito ang sigaw ng mga plant enthusiast o kung tawagin ngayong panahon ng qu@rantine ay mga ‘Plantito’ at ‘Plantita’ sa social media matapos mag-post ng larawan si Jinkee Pacquiao kung saan makikita ang isa sa maraming halamang pagmamay-ari niya.

Credit: Jinkee Pacquiao instagram

Caption ng post ni Jinkee, “When you woke up this morning, God gave you a gift called “today”. Always remember how precious this gift is because you can never get back the time that has gone by.”Napakaganda ng mensahe ng caption ng post ni Jinkee ngunit hindi ito ang nakaagaw-pansin sa netizens.

Credit: Jinkee Pacquiao instagram

Hindi man intensyon ni Jinkee na ipagmayabang ang kanyang halaman na isang napakalaki at hindi pangkaraniwan na Pure Albino Variegated Alocasia Elephant Ear o tinatawag din na “Giant Taro” ay ito agad ang unang napansin ng netizens sa kanyang post.Ayon sa ilang plant enthusiasts, maaaring nagkakahalaga ng P20K hanggang P30K ang halaman base na rin sa kulay at laki nito.

Credit: Jinkee Pacquiao instagram

Dahil dito, ay binulabog ni Jinkee ang napakaraming Pinoy Plantito at Plantita.
Sa isang Facebook group ng mga certified Plantito at Plantita na “Plant Hub Philippines”, ay kinoronahan nila si Jinkee hindi bilang isang Plantita kung hindi ay bilang “PlantDoña of the Year” kahit hindi pa man nagtatapos ang taon.

Credit: Jinkee Pacquiao instagram

Komento ng netizens:
“Jinkee Pacquiao new Plant collection Variegated Alocasia…May nanalo na!!!!!”
“Hanggang sa halaman ba naman Jinky pinamukha mong poor kami?! Inaano ka ba ng makahiya namin?””Mahal na nga ang halaman, variegated pa! Edi mas mahal na sya haha.”
“Bumili ng sariling kagubatan c ate jinks!!! haha”

Credit: Jinkee Pacquiao instagram

“Madam with the variegated taro””ang ganda ni madam jinky lalo ung variegates na elephant ear…bka pati paso mlaginto ang presyo..”Kilalang mahilig talaga sa halaman ang maybahay ni boxing champ-senator Manny Pacquiao.

Credit: Jinkee Pacquiao instagram

Sa katunayan, sa isang vlog ni Jinkee kung saan ay ipinasilip niya ang kanilang multi-million peso private beach resort sa probinsiya ng Sarangani, makikita ang samu’t saring koleksyon niya ng halaman.Maliban dito, sa iba pa niyang social media post, ay kapansin-pansin rin ang naggagandahan niyang indoor at outdoor plants.

The post Jinkee Pacquiao, ibinida ang kanyang mamahaling halaman na nagpabilib sa napakaraming Plantito at Plantita appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments