Ylona Garcia, proud na pinost sa kanyang social media na nagtatrabaho siya ngayon sa isang fastfood restaurant sa Australia

Sa panahong ito kung saan natigil ang mga karaniwan nating ginagawa sa buhay dahil sa p@ndemya, inaasahan nating makahanap ng mga bagay na maaaring gawin upang maging productive at abala pa rin.

Credit: @ylonagarcia Instagram    

Isa sa mga nakahanap ng mapagkakaabalahan at mapagkakakitaan ngayong may p@ndemya ay ang singer at dating Pinoy Big Brother teen housemate na si Ylona Garcia.

Isang ehemplo para sa mga kabataan ngayon si Ylona dahil nang umuwi ito sa Sydney, Australia hindi nito sinayang ang kanyang oras na wala siyang ginagawa.

Kamakailan lang ay ipinost ng 18-year-old singer ang isang selfie niya kung saan ay suot niya ang uniporme ng isang fastfood restaurant.

Credit: @ylonagarcia Instagram

Ani Ylona sa caption ng Instagram post, “hey y’all, i decided to work at @mcdonaldsau :)) feel free to come thruuu && i’ll serve you xx”.

Nagta-trabaho ngayon si Ylona sa isang fastfood eatery sa Bonnyrigg sa Australia.

Umani naman ng maraming komento mula sa mga kaibigan ni Ylona ang post niyang itong.

Ani ng RnB prince na si Jay-r, “Get it lil Homie!!!”

Credit: @ylonagarcia Instagram

Komento naman ng aktres na si Denise Laurel, “Stay safe beautiful i already know u gonna make everyone’s day brighter!”

Hindi rin pinalagpas ng mga netizen ang pagbigay ng komento tungkol sa bagong trabaho ng dalaga:

“can i order u instead?”

“Cute! walang kaarte-arte”

Credit: @ylonagarcia Instagram

“woe keep it up baby ylona I’m proud of you”

“Go @ylonagarcia we’re so proud of you”

“Happy that you’re happy and thriving in so many ways.”

Credit: @ylonagarcia Instagram

Samantala, bago umuwi si Ylona sa Australia noong July 1 ay marami rin itong mga pinagkakaabalahan nang mag-qu@rantine.

Sinisigurado talaga nitong hindi masasayang ang kaniyang oras sa pagtambay lang sa bahay.
Sa mga libreng oras nito ay tumutugtog si Ylona ng piano at violin.

Credit: @ylonagarcia Instagram

Isa rin sa mga ginawa ni Ylona nung quar@ntine ay ang pagsulat ng mga kanta. Hindi bababa sa 20 kanta rin ang naisulat ni Ylona. Bukod dito ay nag-enroll din si Ylona sa isang online business class, nag-yoga at tumulong sa mga gawaing bahay.

The post Ylona Garcia, proud na pinost sa kanyang social media na nagtatrabaho siya ngayon sa isang fastfood restaurant sa Australia appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments