Kapuso actress na si Jennylyn Mercado, sinagot ang netizen na nangmamaliit sa mga kagaya niyang single mom

“Having a kid early doesn’t make you less of a woman.” Ito ang bwelta ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado sa lahat ng taong minamaliit ang mga kagaya niyang single mom.

Credit: Jennylyn Mercado Instagram     

Ayon sa aktres, kailanman ay hindi naging madali ang pagpapalaki ng isang anak. Mas lalo pang dumodoble ang hirap kapag single parent o mag-isa mong pinapalaki ang iyong anak o mga anak.
Kaya’t para sa Kapuso actress hindi dapat minimaliit ang mga katulad niyang single parent.

Nag-ugat ang reaksyong ito ni Jennylyn dahil sa isang komento ng isang netizen sa mga babaeng “inanakan” lang daw.

Credit: Jennylyn Mercado Instagram

Sa Tweet ng naturang netizen ay sinabi nitong, “Respeto naman sa mga babaeng inanakan lang!”

Ini-retweet ito ni Jennylyn kasabay ng isang mensahe para sa lahat ng single moms, “To all single moms out there, Never let comments like this get to you.”

Credit: Jennylyn Mercado Instagram

“Having a kid early doesn’t make you less of a woman.”

Mariing sinabi rin ni Jennylyn, “In fact it’s the opposite. Being a single parent made us stronger than ever.”

Credit: Jennylyn Mercado Instagram

Binigyang-diin din ni Jennylyn na mahirap maging isang single parent at magpalaki ng mga anak. Aniya, “Mahirap maging nanay at tatay ng ating (mga) anak pero kinakaya natin.”

Dagdag pa niya, “Kaya always hold your head up high. We are more powerful than they think we are.”

Nagbigay din ng mensahe si Jennylyn sa lahat ng mga pumupuna at nangmamaliit sa kanila.
Ani Jen, “And for those people na minamaliit pa rin kami hanggang ngayon, I feel so sorry for you.”

Credit: Jennylyn Mercado Instagram

“Lahat ng mga kritisismo sa pagkatao namin nasabi na samin, and yet here we are. Raising our kid(s) the best we can. Whatever you say, You can and will never bring a strong woman down.”

Credit: Jennylyn Mercado Instagram

Dumagsa naman ang ilang komento ng netizens sa tweet na ito ni Jennylyn.

“Importante you’re raising your kid well for them not to this kind of person. Nakakaloka may mga ganito pa rin pala”

“Big word my queen Bessie Jen. My biggest SALUTE n RESPECT to all single moms”

Credit: Jennylyn Mercado Instagram

“Saludo po kami sa inyo. Stay strong”

Samantala sa mga hindi nakakaalam, isang single mom si Jennylyn sa anak niyang si Alex Jazz Mercado. Anak ito ni Jennylyn sa dating nobyo at aktor na si Patrick Garcia.

The post Kapuso actress na si Jennylyn Mercado, sinagot ang netizen na nangmamaliit sa mga kagaya niyang single mom appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments