Francine Diaz, ikwinento na bago pa siya maging artista ay baon sa utang ang pamilya at napapalayas sa tinitirhan dahil di nakakabayad ng renta

Sa murang edad ay namulat na sa kahirapan ang batang aktres na si Francine Diaz na naging daan upang pasukin niya ang pag-aartista at matulungan ang pamilya.

Credit: Francine Diaz Instagram    

Sa Star Beginnings segment na ibinahagi ng Star Magic sa YouTube, ikinuwento ni Francine ang challenges na pinagdaanan ng kaniyang pamilya noon na nagsilbing inspirasyon niya para magsumikap sa buhay.

Kuwento ni Francine, “Kung ide-describe ko ‘yung family life namin dati, simple lang. Lubog kami noon sa utang. Palagi kaming napuputulan ng kuryente, ng tubig. Tapos naka ilang lipat din po kami ng bahay kasi napapalayas kami…Pinapaalis kami kasi hindi na talaga kayang bayaran ‘yung renta.”

Credit: Star Magic YouTube

Dagdag ni Francine, “Naging mature ako mag-isip. Kasi na-realize ko nun, na hindi pala lahat ng gusto mo kailangan makuha mo agad. Kasi kailangan maliliit na bagay man o malaki kailangan mong paghirapan.”

Ibinahagi rin ni Francine ang dahilan kung bakit niya pinasok ang pag-aartista. Aniya, “Nu’ng mga time po kasi na ‘yun talagang nasa isip ko, kailangan ko ng trabaho. Kailangan ko matulungan sila Mama. Dati ko pa po talaga gusto mag-artista…Tapos nu’ng nag-start po ako sa mga commercial doon ko talagang na-realize na ‘ay, gusto ko ng maging artista talaga’.”

Credit: Star Magic YouTube

Ikinuwento rin ni Francine kung gaano siya kasaya noong nagsimula na siyang kumita ng pera. Saad niya, “Masaya kasi hindi ko inakala na kaya ko pa lang kumita ng pera, na pwede kong mabigay kina Mama. And thankful kasi kumikita po ako ng pera and natutulungan ko ‘yung family ko. Kaya ayun po ‘yung nararamdaman ko every time na sasahod ako. Thankul at talagang masaya.”

Credit: Francine Diaz Instagram

Matapang din na inamin ni Francine na may ilang pagkakataon na sumagi sa isip niya na hindi para sa kaniya ang pag-aartista.

Credit: Francine Diaz Instagram

“Dati talaga, parang kada-audition namin hindi po talaga ako natatanggap. Palaging may hinahanap sa’kin. Kung hindi ako kulang, sobra naman. Never akong naging enough sa mga napagau-auditionan ko. Kaya minsan naiisip ko nun na baka nga hindi para sa’kin ‘to. Baka pinipilit ko lang.”

Sa ngayon, masaya na si Francine na natupad na niya ang simpleng pangarap ng kaniyang pamilya.

Credit: Star Magic YouTube

“So, simple lang naman po talaga ‘yung pangarap namin. ‘Yung magkaron ng laman ‘yung ref namin. Kasi dati po talaga walang laman ‘yung ref namin. Ngayon, minsan napupuno na po ‘yung ref namin. So, masaya na po kami sa ganu’ng bagay,” ani ng aktres.

Samantala, paggawa ng commercial ang unang naging trabaho ni Francine bago niya pasukin ang pag-aartista. Nang magsimulang mabigyan ng role si Francine sa mga teleserye ng ABS-CBN ay naging breadwinner siya ng kaniyang pamilya.

Credit: Francine Diaz Instagram

Maituturing din ni Francine na biggest break sa kaniyang showbiz career ang pagganap niya bilang bida sa teleseryeng “Kadenang Ginto” kung saan ay nagbukas ng maraming oportunidad para sa kaniya.

The post Francine Diaz, ikwinento na bago pa siya maging artista ay baon sa utang ang pamilya at napapalayas sa tinitirhan dahil di nakakabayad ng renta appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments