Tignan ang kakaibang baby shower na ginawa nila Lara Quigaman at Marco Alcaraz para sa kanilang pangatlong anak

Naglunsad ng isang Virtual Baby Shower sina Precious Lara Quigaman at asawa nitong si Marco Alcaraz na kanilang inupload sa kanilang YouTube channel.

Credit: The Alcaraz Family YouTube       

Ayon sa kanila kahit gusto nilang makasama ang kanilang pamilya, mga kamag-anak at mga kaibigan physically ay bawal muna para maiwasan ang mga s@kit. Subalit kahit “virtual” lamang ang baby shower na ginawa nila ay ramdam pa rin ng mag-asawa ang pagmamahal at suporta ng kanilang mga mahal sa buhay.

Credit: The Alcaraz Family YouTube

Sa unang bahagi ng kanilang vlog, isinalaysay nina Lara at Marco sa kanilang mga subscriber na ang baby shower na gagawin nila ay ang first baby shower na ginawa nila magmula noong magbuntis ang Miss International 2005 sa kaniyang panganay na si Noah at sa pangalawang anak na si Tobias. Dagdag pa ni Lara, tanging gender reveal lamang ang ginawa nila noong nagbubuntis pa ito sa dalawang naunang anak.

Credit: The Alcaraz Family YouTube

Sa pamamagitan ng isang video conferencing application, dumalo ang ilan sa mga malalapit na kaibigan nina Lara at Marco maging ang kapatid ni Lara na si Jerica Castro na kasalukuyang nasa France ay nakibahagi sa espesyal na okasyon na ito.

Credit: The Alcaraz Family YouTube

Sinimulan nila ang celebration sa isang panalangin kung saan ipinagdasal ng lahat ang maayos na pagbubuntis ni Lara at kaligtasan ng baby nito.

Pagkatapos ay nagdaos ng isang short game program ang mag-asawa kung saan huhulaan ng mga dumalo ang mga katanungang may kaugnay sa kaniyang pagbubuntis.

Credit: The Alcaraz Family YouTube

Ang unang tanong ay kung ano ang size ng tiyan ni Lara. Para malaman nang mabuti ng mga dumalo ang tamang size ay nagsagawa ng short fashion show si Lara. Dalawa sa mga dumalo ay nakahula ng tamang sukat na 43 inches.

Credit: The Alcaraz Family YouTube

Sa tanong na, “Did Lara planned this pregnancy?”, ay inamin ng mag-asawa na hindi umano nila plinano na magkaroon ng 3rd baby dahil sa kanilang trabaho, new show offers, at dahil isang taon pa lang ang kanilang bunso na si Tobias. Ngunit nilinaw naman ng mag-asawa na may plano pa rin silang magkababy ngunit hindi kaagad.

Credit: The Alcaraz Family YouTube

Sa pangatlong tanong ay ipinahula ni Lara kung anong klaseng mga pagkain ang kinicrave o pinaglilihian nito habang nagbubuntis. Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na si Lara ay isang “Pescatarian”. Pescatarian ang tawag sa mga taong pinipili ang vegetarian diet at kumakain lamang ng isda o di kaya ibang seafood. Kwinento pa ni Lara na dahil sa pagkahilig niya sa Korean Drama o K-drama ay nagkicrave umano siya ng fried chicken na laging kinakain ng mga K-drama artists.

Sa kanilang virtual baby shower episode pa rin ay nagsagawa ng unboxing ng mga regalo sina Lara at Marco kasama ang kanilang dalawang anak.

Credit: The Alcaraz Family YouTube

Sa dulo ng kanilang programa ay pinasalamatan nila ang lahat ng dumalo at nakibahagi sa kanilang baby shower.

Credit: The Alcaraz Family YouTube

The post Tignan ang kakaibang baby shower na ginawa nila Lara Quigaman at Marco Alcaraz para sa kanilang pangatlong anak appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments