Kris Aquino, pinayagan nang bumukod si Josh ng tirahan at binigyang pahintulot na din si Bimby na manligaw

Handa na kaya si Kris Aquino na i-let go ang anak na si Josh Aquino na mas piniling manirahan sa probinsya?

Credit: Kris Aquino Instagram       

Hindi na nga mapigilan ni Kris Aquino ang paglaki at pagbibinata ng kaniyang mga anak na sina Josh Aquino at Bimby Aquino Yap.

Sa isang virtual press conference ng Cornerstone Talent Management ay sinabi ng Queen of All Media na hahayaan na niyang lumabas ang kanyang anak na si Bimby at manood ng sine kasama ang taong gusto nito.

Credit: Kris Aquino Instagram

Nagbiro pa si Kris na gusto niyang sumama kung sasakaling makipag-date si Bimby. Talaga namang napakasupportive ni Kris dahil gusto nitong samahan ang kaniyang anak kung sakaling lalabas ito.

Credit: Kris Aquino Instagram

“Si Bim, sinabi nya, ‘Oh, my gosh! And you’re going to bring cameras!’ Sabi ko, ‘No, I’m not. I’m going to let you have privacy.’ Okay… So, can I emphasize also na, yes, they do love me, but I can too much also.”

Ibinahagi din ni Kris ang tungkol sa pagpapahintulot niya kay Josh na umalis sa kanilang bahay upang manirahan sa Tarlac.

Credit: Kris Aquino Instagram

Ayon sa pahayag ni Kris, “Kasi ‘yung ano, ‘di ba may programang nilulunsad ngayon, ‘yung Balik-Probinsiya? Si Kuya (Josh), gusto nang tumira sa probinsiya. Dumiretso siya sa tiyuhin niya. ‘I want to live in Tarlac,’ tinext niya. So, ang safe answer nu’ng tiyhuhin, ‘You have to ask your mom’s permission.”

Credit: Kris Aquino Instagram

Ishinare pa ni Kris kung gaano kagusto ni Josh na manirahan sa probinsya lalo sa Tarlac dahil sa mga masasayang alaala nito kasama ang lolang si dating Presidente Cory Aquino.

Credit: Kris Aquino Instagram

Kwento pa ng aktres, napagastos pa umano siya para sa paglilipat ni Josh dahil kailangan niyang bumili ng bagong appliances, gaya na lamang ng bagong aircon, TV, heater, pagpapalagay ng mga blinds, mga bagong sofa beds at iba pang kailangan ng anak habang naninirahan sa Tarlac.

Credit: Kris Aquino Instagram

Sa isang post ni Kris sa kaniyang Instagram post ay inamin niya na parte ng pagpayag nito na tumira ang panganay na anak sa Tarlac ay ang usapan nilang mag-ina na kailangan magbawas ng timbang si Josh.

Credit: Kris Aquino Instagram

Lahad pa niya, “…gusto talaga ni kuya Josh ang buhay probinsya. pinayagan ko siya to be in #Tarlac now kasi ang deal namin he has to lose his tummy na bumalik dahil sa lockdown so everyday jogging siya…”

The post Kris Aquino, pinayagan nang bumukod si Josh ng tirahan at binigyang pahintulot na din si Bimby na manligaw appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments