Maswerte talaga ang mga kasambahay nila Rodjun Cruz at Dianne Medina dahil sa espesyal na trato ng mag-asawa sa kanila

Hinahangaan ngayon ng mga netizen ang maayos na pakikitungo ng mag-asawang Rodjun Cruz Ilustre at Dianne Medina sa kanilang mga kasambahay.

Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram      

Napansin ng mga netizen ang magandang relasyon ng mag-asawa sa kanilang mga kasambahay. Sa katunayan ay gumawa pa ng isang nakakatuwang TikTok dance video ang aktor at performer na si Rodjun kasama ang kanilang mga kasambahay na ibinahagi niya sa kaniyang Instagram account.

Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram

Sa TikTok video ay makikitang masayang sumasayaw si Rodjun kasama ang mga kasambahay na sina Manang Nits, Tay Rogelio, Renz Apay at Cresyl Ann.

Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram

Kitang-kita din kung gaano ka-game ang mga kasama ni Rodjun sa pagsayaw na talagang kuhang-kuha nila ang mga dance step.

 

View this post on Instagram

 

Chill dance w/ Manang Nits, Tay Rogelio, @zneryapa & @anncresyl!🎉 Happy Sunday!❤😄 #Team ILustre @randyortizfilipinodesigner mask!

A post shared by Rodjun Cruz Ilustre (@rodjuncruz) on

Naging usap-usapan din kamakailan lamang sa social media ang isinagawang birthday surprise nila Rodjun at Dianne para sa kanilang kasambahay na si Manang Nitz.

Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram

Sa isang video ay makikita si Rodjun na may hawak na cake habang naghihintay sila sa labas ng kwarto ni Manang Nitz.

Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram

Nang lumabas ang kasambahay at makita ang amo nito at ilan sa mga kasamahan ay hindi na nito napigilang maging emosyonal.

Bakas sa mukha ni Manang Nitz ang pagkabigla at kasiyahan dahil sa munting birthday surprise na plinano ng kaniyang napakabait na among artista.

Ayon kay Rodjun ay magkasabwat silang lahat sa pagpaplano ng birthday surprise.

Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram

Sa background ng video ay maririnig mo ang sweet messages ng mag-asawa para kay Manang Nitz na talaga namang nagpaiyak sa kasambahay.

Sinabi ng aktor kay Manang Nits na mahal nila ito at nagpasalamat naman si Diane sa araw-araw na pagluluto nito para sa kanilang lahat.

Dahil sa pagiging malapit ng mag-asawa sa kanilang mga kasambahay ay marami sa mga netizen ang humanga at natouch sa kanilang effort na mapasaya ang kasambahay sa kaarawan nito.

 

View this post on Instagram

 

Successful ang Pag Surprise namin. #TeamILUSTRE

A post shared by Rodjun Cruz Ilustre (@rodjuncruz) on

“Ang swerte talaga ng mga nakakahanap ng mababait na amo…more powers to you guys,” komento ng isa nilang fan sa IG post ni Rodjun.

Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram

Kasalukuyang nagdadalang tao si Dianne sa panganay na anak nila ni Rodjun. Excited na excited na ang mag-asawa na masilayan ang kanilang panganay na anak.

Noong June 22, 2020 inireveal ng mag-asawa sa kanilang fans via online gender reveal party na lalaki ang kanilang magiging 1st baby.

Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram

September ngayong taon ini-expect na ipapanganak ni Dianne ang kanilang baby boy na pinangalanan nilang Rodolfo Joaquin Diego III.

The post Maswerte talaga ang mga kasambahay nila Rodjun Cruz at Dianne Medina dahil sa espesyal na trato ng mag-asawa sa kanila appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments