Onanay at The Gift actress na si Jo Berry, sumisikat ngayon sa bansang Ecuador at Dominican Republic

Hindi inaasahan ng Kapuso actress na si Jo Berry ang kanyang pagsikat sa mga bansang Ecuador at Dominican Republic. Nagsimula siyang makilala sa dalawang bansa dahil sa kanyang dalawang teleserye na ‘The Gift’ at ‘Onanay’.

Credit: Jo Berry Instagram       

Ginampanan ni Jo ang role na Onay sa ‘Onanay’ bilang isang ina na may archondroplasia, isang bone growth disorder na nagreresulta sa hindi paglaki ng height ng isang tao. Sa teleseryeng Onanay ay nakasama ni Jo ang mga bigating artista tulad nina Nora Aunor, Cherie Gil, Kate Valdez at Mikee Quintos.

Credit: Jo Berry Instagram

Samantalang sa ‘The Gift” ay gumanap naman ang aktres bilang si Strawberry na siyang adoptive mother ni Sep, na karakter naman ng aktor na si Alden Richards.

Credit: Jo Berry Instagram

Ang dalawang teleserye na kanyang ginawa ay kasalukuyang ipinapalabas sa Ecuador at Dominican Republic. Nakasalin ito sa lenggwaheng Spanish at ito ay napabalitang nagkamit ng pinakamataas na ratings sa dalawang bansa.

Sa kabila ng kanyang kasikatan ay hindi naman maitago ang nerbyos na naramdaman ng aktres nang siya ay maimbitahan para ma-interview sa isang sikat na morning talk show sa bansang iyon.

Credit: Jo Berry Instagram

“Kinakabahan ako baka mali-mali ‘yung masagot ko kasi halo ‘yung kaba ko ‘tsaka, siyempre, overwhelmed ako na marami ring nakakanood sa kanila. Kinabahan talaga ako.”

Credit: Jo Berry Instagram

 

View this post on Instagram

 

A post shared by En Contacto (@encontactoecuavisa) on

Nagbiro pa si Jo na nagpadala siya ng letrato niya sa make-up artist sa ibang bansa para mapa-check kung angkop ang kanyang ayos para sa interview sa Ecuador.

“Nag-picture ako, nag-send ako do’n sa makeup artist sabi ko, ‘Ate okay na po ba ‘to? Kasi Ecuador ‘to e, hindi ko alam kung okay na ba ‘yung ganitong ayos.”

Credit: Jo Berry Instagram

Mula sa kanyang natanggap na pagkilala ay marami naman ang humanga at nagbigay ng kanilang mensahe sa ipinakita niyang kahusayan sa pag-arte na siyang ikinatuwa naman ng aktres.

“Kinilig ako, ginu-Google translate ko kasi some of them are messaging me hindi sa English.”

Credit: Jo Berry Instagram

“Nakakatuwa kasi naglaan din sila ng time para mag-message sa ‘kin to tell me na nagustuhan nila ‘yung story.”

Kasalukuyan namang abala si Jo sa kanyang pag-aaral ng baking sa tulong ng kanyang ina.

Credit: Jo Berry Instagram

“Inaalalayan pa rin ako ni Mama kung paano ‘yung mga ingredients pati ‘yung paano mag-adjust ng heat. Kasi nu’ng una palaging sunog.”

Nagustuhan naman ng mga kaibigan ni Jo ang una niyang ginawa na banana bread at chocolote chip cookie.

Credit: Jo Berry Instagram

“Napatikim ko na rin siya sa ibang mga friend ko. Sabi nila masarap naman daw. So, happy ako.”

The post Onanay at The Gift actress na si Jo Berry, sumisikat ngayon sa bansang Ecuador at Dominican Republic appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments