Marami ang nagulat at natawa nang lumabas ang balita tungkol sa pagkakamali ng isang Wikipedia article kung saan ang inilagay na larawan bilang si Miss Universe 2001 Denise Quinones ay ang larawan ng komedyanteng si Pokwang.
Nadiskubre ang pagkakamaling ito ng isang netizen na agad namang nakatanggap na reaksyon mula mismo kay Pokwang.
Umabot kay Pokwang ang balitang siya na ang bagong Miss Universe 2001 dahil sa Twitter post ni @khenterrific na may screenshot ng larawan ni Pokwang sa nasabing website.
Sa Twitter post ni @khenterrific, ay ishinare niya ang kaniyang nadiscover kaugnay ng paglalagay ng Wikipedia sa larawan ni Pokwang bilang Miss Universe 2001.
Sa post ay sinabi ni @khenterrific na, “Hindi talaga dapat ginagawang reference ang Wikipedia eh. Search n’yo #MissUniverse2001 si @pokwang27 ang winner. Hahaha”.
Mabilis namang nakarating kay Pokwang ang naging pagkokorona sa kaniya ng Wikipedia.
Sa Twitter post ni Pokwang ay ini-retweet niya ang post ni @khenterrific at naglagay siya ng caption na, “Ang agaa!!! tawang tawa ako #@$#% bwahahahahhahaaa”.
Ang agaaa!!!! tawang tawa ako potah bwahahahahhahaaa https://t.co/aGrvtXB4jI
— marietta subong (@pokwang27) July 8, 2020
Samantala, maraming mga netizen ang nagpahayag na pwede namang pang Miss Universe ang komedyante.
“Uuyy Haa may dating din naman! Legs PA lang panalo na!”
“Parang may laban naman po yung nasa picture.”
“Di ka man lang nagsabi na ikaw pala ang pangatlong MU winner. Napaka humble mo talaga. Hahaha”
Sa kasalukuyan, ay pinalitan na ang larawan ni Pokwang at inilagay ang tamang larawan ni Denise Quinones sa article.
Kamakailan lang ay nagtrending din si Pokwang nang mag-TV guesting ito sa Bawal Ang Judgmental segment ng noontime show ng GMA na Eat Bulaga.
Marami ang nakapuna ng TV guesting ni Pokwang sa GMA dahil isa ang actress na kumundina sa pagsasara ng ABS-CBN. Dito rin nagsimula ang usap-usapan ng paglipat ng comedian-actress sa ibang network.
Inaabangan na nila Pokwang ang pagsisimula ng kanyang bagong talk show at game show sa TV5. Kasama ni Jose Manalo ay mapapanood si Pokwang sa game show na Fill in the Blanks. Ang makakasama naman ni Pokwang sa morning talk show na Chika Besh ay sila Ria Atayde at Pauleen Luna.
The post Nagulat ang komedyanteng si Pokwang nang mabalitaang kinoronahan siyang Miss Universe 2001 ng Wikipedia appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments