Momshie Karla Estrada, proud na ipinakita na kaya pang magboxing ng kanyang 75 taong gulang na ina

Siyam na buwan na dinala sa sinapupunan at pagkapanganak ay pagod at puyat sa pagaalaga sa anak. Ganyan ang pagmamahal ng isang ina.

Credit: Karla Estrada Instagram 

Marami ang nagsasabi na walang hihigit pa sa pagmamahal ng isang ina at ang tanging paraan para mapasalamatan sila sa kanilang sakripisyo ay sa pamamagitan ng pagrespeto, pagmamahal, at pagbibigay ng oras sa kanila.

Credit: Karla Estrada Instagram

Marami din ang nagsabi na dapat ay sulitin ang oras kasama ng mga taong minamahal natin para sa huli ay walang bahid ng pagsisisi at panghihinayang kapag sila ay tuluyan nang magpaalam.

Credit: Karla Estrada Instagram

Sa mga post ng aktres na si Karla Estrada ay kitang-kita kung gaano niya kamahal ang kanyang ina na si Mommy Thelma Ilago.

Credit: Karla Estrada Instagram

Kamakailan lang ay nagpost si Karla ng video ng kanyang ina na masayang nagboboxing. Sabi ni Karla na noong April pa ng nakaraang taon nagsimula si Mommy Thelma na magehersisyo sa pamamagitan ng boxing.

“April 10-2019 ng nagsimula ang momshie ko mag boxing para sa Laban for Bantam weight division for this year. Pero dahil sa p@ndemic baka nxt na ang Laban.😘😅😅😂♥♥

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121) on

Si Mommy Thelma ay nagdiwang noong September nang nakaraang taon ng kanyang ika-75 na kaarawan. Pero kahit 75 na si Mommy Thelma ay nakakamangha ang kanyang lakas at maliksing pangagatawan.

Credit: Karla Estrada Instagram

Dahil dito ay maraming followers ni Karla ang natuwa sa pagiging aktibo ni Mommy Thelma sa pagboboxing.

Credit: Karla Estrada Instagram

“Wow nakakatuea si mother talaga❤ I like it.”

“Humanda na po kayo at parating na po ang Reyna ng boxing ring! Woman empowerment. ingat po so much love for you Mommy Thelma 😘 God bless 😊🙏

Credit: Karla Estrada Instagram

“Good exercise yan,for ur mum,but not too much,Baka makasakit mga joint bones & muscles 👍👌

“Hahaha ang cute… sana ganyan ka healthy si granny ko❤❤

Credit: Karla Estrada Instagram

Tubong Tacloban ang ina ni Karla kaya naman nang matinding binayo ng bagyong Yolanda ang Tacloban noong 2013 ay grabe ang pag-aalala ni Karla para sa kanyang ina at mga kamag-anak.

Credit: Karla Estrada Instagram

Na-ikwento pa ni Karla sa dating show ng ABS-CBN na Buzz ng Bayan na sa sobrang pag-aalala niya ay umuwi kaagad siya sa kanilang probinsya para hanapin ang kanyang ina at mga kamag-anak. Laking tuwa ni Karla nang maibalita sa kanya na nasa mabuting kalagayan ang kanyang mga mahal sa buhay.

Credit: Karla Estrada Instagram

Kasalukuyang namamalagi ngayon si Mommy Thelma kasama ni Karla at nila Daniel Padilla sa malaking bahay na iniregalo ni Daniel sa kanyang inang si Karla.

The post Momshie Karla Estrada, proud na ipinakita na kaya pang magboxing ng kanyang 75 taong gulang na ina appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments