Naiyak ang ina ng aktor na si Gerald Anderson nang makatanggap ito ng surpresang regalo mula kay Gerald

Isang nakakaantig na video ang ibinahagi ng aktor na si Gerald Anderson kamakailan sa kanyang YouTube channel.

Credit: Gerald Anderson YouTube      

Isang sorpresa ang ginawa ni Gerald sa kanyang ina na si Evangeline Opsima na kasalukuyang naninirahan sa General Santos City.

Matagal ng pinapangarap ng kanyang ina na magkaroon ng isang multicab na magagamit nito sa kanilang business.

Credit: Gerald Anderson YouTube

Kaya naman hindi nagdalawang-isip ang aktor na regaluhan ang kanyang ina ng isang pick-up truck sa kabila ng p@ndemy@ng kinakaharap ng bansa ngayon.

“May konting surprise para sa nanay ko. Actually matagal na niyang nire-request ito. Hindi rin ako sigurado kung ito ang perfect time para ibigay sa kanya ito. Siyempre ang dami nating pinagdadaanan, p@demic and l0ckdown. Siyempre shutdown ang livelihood naming lahat.”

Credit: Gerald Anderson YouTube

Itinuturing ni Gerald ang kanyang ina na isa sa mga ‘great inspiration’ niya upang pagbutihin ang kanyang trabaho.

“But you know, yung nanay ko ay isa sa pinaka-motivation ko sa buhay ko para mas pagbutihan yung trabaho. So yung kaunting request niya binigay natin. Sana makapagbigay ng kaunting saya at kaunting sorpresa para sa kanya.”

Credit: Gerald Anderson YouTube

Pagdating ng regalo ni Gerald sa bahay ng kanyang ina ay labis naman ang pagtataka ni Mommy Vangie nang makita ang isang bouquet ng bulaklak na ayon sa kanya ay wala naman okasyon para makatanggap ng ganoong regalo.

Ngunit ng mapansin niya ang isang silver Nissan Navara na pick-up truck na nakaparada sa labas ng kanilang bahay ay hindi naman niya napigilang maging emosyonal at doon na nga niya napagtanto na galing ito kay Gerald.

Credit: Gerald Anderson YouTube

“Son, thank you very much. I really appreciate it. It’s not my birthday. I’m very surprised RJ. I know you don’t have money. You do not make income yet… but I really appreciate it, RJ. Thank you.”

Credit: Gerald Anderson YouTube

Hindi man makauwi si Gerald para personal na ibigay sa ina ang kanyang regalo ay sinigurado niyang mapapaabot niya sa kanyang ina at mapaparamdam niya ang kanyang pagmamahal dito.

Maraming netizen ang naantig dito at nagbigay ng kanilang kumento sa ginawang sorpresa ni Gerald sa kanyang ina.

Credit: Gerald Anderson YouTube

“She’s so overwhelmed. Funny and so real. The multicab request is hilarious. You have a great heart.”
❤❤❤i hope to be able to do that to my mother too. God bless everyone. Truly touching.”

“I salute you how much you love your mother! 🙏🙏🙏

The post Naiyak ang ina ng aktor na si Gerald Anderson nang makatanggap ito ng surpresang regalo mula kay Gerald appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments