Mga netizen, kinilig sa letrato ni Kiray Celis kasama ang boyfriend na parehong may suot na singsing

Sa isang Instagram post ay pinakilig ni Kiray Celis ang kaniyang fans dahil sa larawang ibinahagi nito kung saan may suot silang gintong singsing ng non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia.

Inakala ng netizens na engaged na o kinasal na ang dalawa dahil sa suot nilang singsing.

Credit: Johanna KIRAY Celis Instagram

Ngunit sa caption ng IG photos ng actress, ay nilinaw niya na hindi pa sila engaged ng boyfriend at couple rings lang ang suot nila.

“AND YES… KAMI PO AY……………………… MAY COUPLE RING NA TOTOONG GOLD FROM @wanderluxeonlineshop HAHAHAHHAHAAHAHAHAHA”, caption ng IG post ni Kiray.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Johanna KIRAY Celis (@kiraycelis) on

Marami naman sa nagkomento sa IG post ang nagparating ng kanilang panghihinayang dahil hindi pa sila engaged ni Stephan.

Credit: Johanna KIRAY Celis Instagram

“akala q “engage” na sweet”

“kala ko talaga kasal na”

“ay akala ko happily married na kayo. Sana all”

Credit: Johanna KIRAY Celis Instagram

Hindi naman nakakapagtaka kung mauwi sa kasalan ang relasyon nina Kiray at Stephan. Sa mga social media post kasi ni Kiray ay nagpapahiwatig na ito na balang araw ay magiging Estopia rin ang kaniyang apelyido.

Credit: Johanna KIRAY Celis Instagram

Samantala, nagbigay naman ng mensahe si Kiray sa kaniyang mga followers tungkol sa pag-ibig. Ibinahagi nito kung ano ang kaniyang mga natutunan sa 6 na buwan na nilang relasyon ng boyfriend.

“Time flies when you’re in the place you’re meant to be. TOTOO NGA! ang bilis ng panahon! Kalahating taon na tayo! Ang bilis ng oras at ng araw kapag nasa tamang tao. Tamang panahon. Tamang lugar. Tamang pagmamahal. TAMA LAHAT! Mahal na mahal kita, @stephan.estopia! Salamat @custome.ph sa aking shirt. Celis muna nakalagay for now. Balang araw apelyido mo na! Huwaaa!..”

Credit: Johanna KIRAY Celis Instagram

Ayon kay Kiray, “Nung nagkakilala kami, parehas kaming wasak. Ako pinagpalit. Siya niloko ng paulit-ulit.’A THREAD’.”

Ikwinento ni Kiray kung ano naging love story nila ng boyfriend.

Credit: Johanna KIRAY Celis Instagram

“Dec nanligaw siya sakin. Dec 13 naging kami. Dahil hindi sa tagal nababase ang pagmamahal ng isang tao. Eto ang aming kwento..parehas kaming naloko. Pero ngayon natagpuan na namin yung pagmamahal na totoo.”

Credit: Johanna KIRAY Celis Instagram

Kapwa galing sa isang masalimuot na relasyon ngunit ngayong nahanap ang pagmamahal na nararapat sa kanila at nakita nila ito sa isa’t isa. Pinatunayan lang nila Kiray at Stephan na balang araw we will find the love that we deserve; sa tamang panahon, lugar at tao!

Credit: Johanna KIRAY Celis Instagram

Si Kiray o Johanna Celis sa totoong buhay ay isang actress na kilala sa kaniyang mga nakakatawang role sa mga pelikula at TV shows.

The post Mga netizen, kinilig sa letrato ni Kiray Celis kasama ang boyfriend na parehong may suot na singsing appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments