Anak ni Ruffa Gutierrez na si Venice Bektas, usap-usapan ngayon sa social media dahil sa kanyang Instagram photo

Nakatanggap ng maraming reaction sa netizens ang ini-repost ni Ruffa Gutierrez na litrato ng kaniyang youngest daughter na si Venice Bektas.

Credit: Ruffa Guiterrez Instagram

“At first look, I thought she was you,”

“Hala! Kamukha niyo po Mam Ruffa,”

“She looks like a younger version of you”

Credit: Venice Bektas Instagram

Ilan lamang ito sa mga komento ng netizens nang i-post ng Love Thy Woman actress na si Ruffa sa kaniyang Instagram ang litrato ni Venice.

Sa litratong ipinost ni Ruffa ay hindi maitatago ang pagkakahawig ng anak sa kaniyang Mommy.

Credit: Venice Bektas Instagram

Kung titignan sa isang iglap ang litrato ng 15-year-old na si Venice ay makikitang ganap na itong dalaga.

“My youngest is growing up so fast!!! @venicebektas stay little!!!”

Maraming nakapansin sa pagiging confident and beautiful ni Venice.

Credit: Venice Bektas Instagram

Sa katunayan, laman ng Instagram account ni Venice ang iba’t ibang litratong kuha mula sa kaniyang mga beach travel at mga letrato kasama ang kaniyang ate na si Lorin Bektas na mahilig din sa fashion at travelling.

Hindi naman itinanggi ni Ruffa na habang lumalaki si Venice ay nagiging kamukha na niya ito.

Looking at how much my youngest daughter has grown. She’s starting to look just like me!!!”, aniya ni Ruffa.

Mapapansin din sa isa pang IG post ni Ruffa kung gaano siya ka-proud sa panganay na si Lorin Gabriella.

Credit: Ruffa Gutierrez Instagram

Nagpost si Ruffa ng picture ng anak na naka two-piece swimsuit lang. Confident at sexy ang anak habang nakabilad sa araw.

“Omg so beautiful!!! And so fresh!! I feel so old omg looking at this. Parang kelan lang they are babies pa!!”

Credit: Ruffa Gutierrez Instagram

Kahit dalaga na ang mga anak ni Ruffa ay itinuturing pa rin niya ito na mga baby niya.

Sa reply ni Ruffa sa comment ni KC Concepcion na, “She’s a WOMAN”, sinabi niyang, “noooo baby pa rin.”

Credit: Ruffa Gutierrez Instagram

Time flies so fast talaga dahil dalaga na ang kaniyang mga anak. Sa usapin ng pagboboyfriend, payag na ba si Ruffa na may manligaw sa mga anak?

Credit: Ruffa Gutierrez Instagram

Sa 17th birthday ni Lorin ay sinabi ni Ruffa sa kaniyang post na, “To my beautiful firstborn, Lorin…Here’s wishing you a birthday that is as beautiful, incredible, and unique as you are. Always stay focused, study hard and don’t accept suitors yet. LOL I love you to the moon and back…xx Mommy.”

The post Anak ni Ruffa Gutierrez na si Venice Bektas, usap-usapan ngayon sa social media dahil sa kanyang Instagram photo appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments