Matalik na magkaibigan na sila Erich Gonzales at Enchong Dee, inanunsyo na magsasama muli sa isang kaabang-abang na proyekto

Muling masasaksihan ang tambalang Erich Gonzales at Enchong Dee sa panibagong platform na kanilang pagbibidahan at ito ay mapapanuod sa YouTube at Instagram. Ang tambalang ito ay pinamagatang ‘EnRich Originals’.

Credit: Erich Gonzales Instagram   

Masayang ibinahagi ng aktor na si Enchong Dee at aktres na si Erich Gonzales ang kanilang magiging new project na kung saan ay masisilayan ng publiko ang mga original stories, series at feature films nila.

“I’m proud to announce that @erichgg and I are launching our very own channel under @enrichoriginals that will produce original series in different digital platforms, we listened to you guys and the fruits of our labor will soon be available to you for FREE. For more details subscribe to our enrich originals youtube channel as early as now,”

Credit: Erich Gonzales Instagram

“Can’t wait to share this with all of you ♥ Soon on ENRICH ORIGINALS. @enrichoriginals”

Mula sa mga comment at request ng kanilang mga supporter ay naisipan ni Erich at Enchong na mag-hire ng scriptwriter, cameraman, at lightsman upang maging maganda at maayos ang project na gagawin nilang dalawa.

“We’re very kilig also because we’re not only doing it for our audience, but we are also parang learning experience for us. Kumbaga kung ano man yung natutunan namin sa pinagsamahan namin dati, now we’re applying it.”

Credit: Erich Gonzales Instagram

Hindi pa man binigay ni Erich at Enchong ang buong detalye para sa project na kanilang gagawin, ay labis na ang pinakitang excitement at suporta mula sa kanilang mga tagahanga.

“Pinaligaya nyo kami talaga. Maraming salamat po sa pag bibigay katuparan sa aming mga kahilingan. 😍

“Yahoo..! Excited na ako.. ❤

Credit: Enchong Dee Instagram

“So excited for this enrich is back 😍😍😍

Gagampanan ni Enchong ang role bilang si Gian Carlo Santilla, samantalang si Erich naman ay gagampanan ang role bilang si Gianna Reyes.

Kasalukuyan nang inumpisahan ni Erich at Enchong ang project na kanilang gagawin, na kung saan ay sinimulan na ang pag-shoot para sa kanilang first episode.

Credit: Enchong Dee Instagram

Makakasama rin nila sa naturang project ang mga sikat din na artista tulad nina Arjo Atayde at Janella Salvador.

The post Matalik na magkaibigan na sila Erich Gonzales at Enchong Dee, inanunsyo na magsasama muli sa isang kaabang-abang na proyekto appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments