Excited na soon-to-be parents na sila Dianne Medina at Rodjun Cruz, ipinakita ang magiging kwarto ng kanilang Baby Joaquin

Ipinasilip ng mag-asawang Dianne Medina at Rodjun Cruz ang magiging kwarto ng kanilang unang anak na si Baby Rodolfo Joaquin Diego III.

Credit: Dianne Medina YouTube          

Most requested daw ng mga subscribers ni Dianne sa kaniyang YouTube channel ang Baby Room Tour kaya’t pinaunlakan niya ang mga ito.

Sa unang bahagi ng baby room tour ay ikinuwento ng mag-asawa na bumalik daw ang mga alaala ng kanilang prenuptial shoot dahil sa disenyo ng kwarto ni Baby Joaquin.

Credit: Dianne Medina YouTube

Matatandaang mga hot air balloons ang naging backdrop ng prenuptial shoot nina Dianne at Rodjun na kinunan pa sa Cappadocia, Turkey.

At ngayon ay napili nga nilang hot air balloons ang gawing disenyo ng kwarto ni Baby Joaquin.

Credit: Dianne Medina YouTube

Pinagsamang light blue at white naman ang nangingibabaw na kulay sa kwarto ni Baby Joaquin. Mula sa pintura ng dingding hanggang sa mga furniture. Pinili rin nina Dianne at Rodjun na wall decals stickers ang gamiting pang-design dito dahil praktikal at mura ito.

Credit: Dianne Medina YouTube

Pagkukuwento ni Dianne, “Instead of wallpaper we opted for a wall decals stickers kasi syempre for practicality purposes. Para anytime kung gusto ng magpalit ni Baby ng design or kami ni Daddy RJ gusto na naming palitan ng design- we can easily remove all the stickers at saka mura siya.”

Dagdag niya, “The other side of the wall we opted for blue paint. This is light blue paint para talagang match dun sa theme ni Baby Joaquin. Sa room ni Baby Joaquin.”

Credit: Dianne Medina YouTube

Ibinahagi naman ni Rodjun ang kaniyang paboritong bahagi sa kwarto ni Baby Joaquin. Ito ay ang diaper changing station. Bilang bagong Daddy, aminado si Rodjun na sa umpisa mangangapa pa siya sa pagpapalit ng diaper ni Baby Joaquin.

Credit: Dianne Medina YouTube

Ani Rodjun, “Syempre alam n’yo ‘to guys sa umpisa feeling ko maninibago ako pero soon magiging expert na rin ako sa pagpalit ng diapers ni Baby Joaquin.”

Dahil maliit lang ang kwarto ni Baby Joaquin, karamihan sa mga gamit na makikita rito ay pinaka-customize pa nila Dianne at Rodjun. Mula sa crib, daybed, table at drawers pati na rin ang mga unan nito.

Credit: Dianne Medina YouTube

Ayon kay Dianne, “Anything na personalize talaga for our baby talagang tuwang-tuwa ako as a first time Mom. I’m really really excited.”

Credit: Dianne Medina YouTube

Sunod naman nilang ipinakita ang closet ni Baby Joaquin kung saan nakalagay ang mga importanteng gamit ni Baby Joaquin katulad ng kaniyang mga damit at diapers.

Credit: Dianne Medina YouTube

Bukod dito ay mayroon ding mini-cool fridge, humidifier at camera monitor ang kwarto ni Baby Joaquin.

Credit: Dianne Medina YouTube

Sa huli, hiling nina Dianne at Rodjun na makakuha ng inspirasyon mula sa kanilang baby room tour ang mga magulang na kagaya nila na nagbabalak pa lang magpagawa ng sariling kwarto para sa kanilang baby.

Credit: Dianne Medina YouTube

Samantala, September inaasahang maipanganak ni Dianne si Baby Joaquin.

Credit: Dianne Medina YouTube

The post Excited na soon-to-be parents na sila Dianne Medina at Rodjun Cruz, ipinakita ang magiging kwarto ng kanilang Baby Joaquin appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments