Dimples Romana, ipinakita ang napakarami at napakagandang inaning prutas mula sa pagmamay-aring niyang farm

Kapag may itinanim, may aanihin. Lumang kasabihan ngunit ito ang napatunayan ng Kapamilya actress-host na si Dimples Romana sa kaniyang buhay.

Credit: Dimples Romana Instagram     

Sa Instagram post ni Dimples ay masaya niyang ibinahagi ang mga larawan ng bagong aning mga avocado, sweet corn pati na rin niyog mula sa kaniyang avocado at mango farm sa Calaca, Batangas.

At dahil hindi makapunta ang buo niyang pamilya para sila mismo ang umani ng mga bunga ay ipinadala nalang ito ng tagapangalaga ng kanilang farm.

Credit: Dimples Romana Instagram

Aniya sa IG post, “Harvest time for our avocados in our Calaca mango farm. Couldn’t go up to harvest them ourselves yet kaya pinadala na muna dito.”

Kasama ang pamilya ay masayang-masaya si Dimples na i-celebrate ang bunga ng kaniyang pagsisikap sa buhay. Isa raw itong biyaya mula sa maraming araw at gabing pagsasakripisyo. Aniya, matagal na raw niyang hinintay ang pagkakataong magbunga ang kanilang itinanim.

Credit: Dimples Romana Instagram

Kuwento ni Dimples, “Ani na biyaya mula sa madaming araw at gabi ng puyat, luha, dugo’t pawis literal.”

“Whenever I felt tired from work, all I had to do was envision this very moment. God is good.”

Sinabi rin niya na ang mga simpleng bagay katulad ng pag-aani ay siyang nagpapasaya sa kanilang pamilya.

Credit: Dimples Romana Instagram

Aniya, “Celebrating simple joys with my fam! Now who’s up for some AVO-cuddle?”

Payo rin ni Dimple, “#DimpsTips some dreams and goals take longer than our other goals to come to life, wag lang kayong mapapagod, wag susuko.”

Dagdag pa niya, “Walang impossible basta kasama ang pamilya.”

Marami namang netizen ang na-inspire sa IG post na ito ni Dimples. Ani ng ilang netizens,

Credit: Dimples Romana Instagram

“that’s a great harvest Dimples”

“Ang dami naman nyan ang galing nyo”

“Yasss! Wag na wag susuko”

“You are an inspiration”

Credit: Dimples Romana Instagram

Kilala ang aktres at ang asawa nitong si Boyet Ahmee bilang mahilig mag-invest at bumili ng mga property. Aminado kasi ang aktres na hindi panghabambuhay ang kaniyang trabaho kaya sinisigurado niyang maayos niyang mina-manage ang kaniyang mga pinaghirapan.

Sa isa pang Instagram post ay sinabi niyang, “Walang trabahong pang-forever, walang kasiguruhan ang buhay, but we can always try to do our best while we’re young to invest our hard earned money in things that matter.”

Paglalahad pa niya, “Goal ko talagang magkaron ng financial freedom in the near future and for that to happen, kailangan muna namin to work hard and invest wisely ngayon.”

Credit: Dimples Romana Instagram

Sa katunayan, marami nang nabiling property ang mag-asawa. Bukod sa kaniyang manggahan sa Calaca, Batangas ay mayroon pang mga pinapaupahang condominium at bahay ang aktres, isang farm at bahay bakasyunan sa Cavite at isang beachfront property sa Palawan.

The post Dimples Romana, ipinakita ang napakarami at napakagandang inaning prutas mula sa pagmamay-aring niyang farm appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments