Kilalanin ang mga artistahing babaeng kapatid ng Kapamilya actress na si Kim Chiu

Hindi maipagkakaila na isa si Kapamilya aktres at Chinita princess Kim Chiu sa may pinakamagandang mukha ngayon sa showbiz industry.

Credit: Lakambini Chiu Instagram       

Ngunit alam ba ninyong may mga nakakatandang kapatid din si Kim na kasing ganda rin niya?

Sa Instagram account ni Kim, mapapansin ang pagiging malapit nito sa kaniyang mga ate. Dahil dito, maraming netizen ang nakapansin sa taglay na ganda ng kaniyang mga kapatid.

Credit: Lakambini Chiu Instagram

Ang kanilang panganay na si Lakambini Chiu ay ang nagsilbing magulang kay Kim simula nang maghiwalay ang kanilang mga magulang.

Credit: Kim Chiu Instagram

Ito ang gumagabay at sumusuporta kay Kim simula nang sumali ito sa Pinoy Big Brother: Teen Edition kung saan siya ang itinanghal na winner hanggang sa nagkaroon siya ng kabi-kabilang proyekto at naging sikat na.

Credit: Lakambini Chiu Instagram

Hindi maitatago ang pagkakahawig ni Kim sa kaniyang ate Lakam, bagay na agaw pansin sa social media. Ayon sa ate Lakam ni Kim sa isang interview nito sa ABS-CBN news, inamin niyang pinangarap din niyang maging isang artista kagaya ni Kim.

Credit: Lakambini Chiu Instagram

Ang isa pang ate ni Kim na pangalawa sa kanilang magkakapatid na si Gwendolyn Chiu o mas kilala ng lahat na “Twinkle” ay usap-usapan din sa social media dahil sa taglay din nitong ganda at charm.

Credit: Gwendolyn Chiu Instagram

Si Twinkle ay isang flight attendant ng Philippine Airlines. Sa Instagram account nito ay mapapansing marami nang napuntahang bansa si Twinkle dahil sa mga larawang ipinopost nito. Kapansin-pansin din sa mga larawan ni Twinkle ang mala-beauty queen nitong ganda at tangkad.

Credit: Gwendolyn Chiu Instagram

Bukod pa rito, hindi rin maiwasan ng kaniyang ate Twinkle na ma-link sa mga gwapong aktor. Matatandaang noong 2014 ay na-link si Twinkle kay Kapamilya heartthrob James Reid kung saan agad namang nilinaw ng dalawa na walang namamagitan sa kanila.

Credit: Gwendolyn Chiu Instagram

Kagaya ng ibang magkakapatid pinanghuhugutan ng lakas ni Kim ang kaniyang mga kapatid.

Credit: Gwendolyn Chiu Instagram

Kamakailan lang ay ipinagtanggol ng mga kapatid si Kim mula sa mga pambabatikos na natanggap nito mula sa kaniyang mga bashers dahil sa naging performance nito sa kaniyang kanta na “Bawal Lumabas” sa Wish 107.5 at mga pahayag ukol sa pagsasara ng ABS-CBN.

Ayon sa IG post ng kaniyang ate Kam sinabi nitong proud siya sa katapangan na ipinapakita ni Kim kahit pa nasasaktan din ito sa mg a pambabatikos na natatanggap sa social media.

“You may look at her as a strong woman, unaffected of everything that is happening right now. But she is also a human being…She is so brave! Sang the song inside the wish bus, face the people who will put her down again once the video will be out… We are so proud of you Kim. We love you…,” pahayag ng kaniyang ate Lakambini.

The post Kilalanin ang mga artistahing babaeng kapatid ng Kapamilya actress na si Kim Chiu appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments