Nakakatawa ang naging reaksyon ni Ruffa Gutierrez nang makita ang pagsayaw ng mga anak na sila Lorin at Venice

Marami ang natawa sa ipinakitang reaksyon ng aktres na si Ruffa Gutierrez nang makita sa magkahiwalay na pagkakataon na sumasayaw ang kanyang mga anak na sila Lorin at Venice.

Credit: Ruffa Gutierrez Instagram

Ang dalawang video na nagpapakita ng reaksyon ni Ruffa sa pagsayaw ng mga anak ay inupload mismo ni Lorin sa Instagram account ng aktres nang maiwan ni Ruffa ang kanyang cellphone sa bahay.

Credit: Ruffa Gutierrez Instagram

Sinabi ni Ruffa sa komento na, “reallyyyy now! i accidentally leave my phone at home and i suddenly have a new post!”

Sa unang video na inupload ni Lorin sa Instagram ng kanyang ina, makikita ang pagsaway at paghampas sa puw3t ni Ruffa kay Lorin habang sumasayaw at nagtwe-twerk ito sa kantang WAP ng American rapper na si Cardi B.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag) on

“WAP is my new favorite song thanks to @loringabriella and her horrible dance moves on TikTok. Should I dance more often?”, nakalagay sa caption ng naturang post sa Instagram ni Ruffa.

Credit: Ruffa Gutierrez Instagram

Sa pangalawang video na inupload sa IG ni Ruffa ay makikitang masayang sumasayaw ang tatlo nang biglang napatingin si Ruffa sa bunsong anak na si Venice at huminto ito sa pagsayaw.

Mapapansin din sa video ang nakakatawang reaksyon ni Ruffa sa klase ng pagsayaw nina Lorin at Venice.

Credit: Ruffa Gutierrez Instagram

Nagbigay ng komento si Ruffa sa post at sinabing ii-enrol niya sa sikat na dance instructor ang dalawang anak.

“@loringabriella i’m enrolling you and @venicebektas at @gforce_official with @teachergeorcelle 😛 your katawan is so matigas lorini 💃🏿

Credit: Ruffa Gutierrez Instagram

Samantala, maraming mga kasamahan sa showbiz si Ruffa na nagkomento sa naturang videos nila.

Ayon sa aktres na si Anne Curtis, “Hahahahaha! This is hilarious! Your face ate!!!”

Credit: Ruffa Gutierrez Instagram

Komento naman ng kapwa mommy ni Ruffa na si Ina Raymundo na nahihilig din sa paggawa ng TikTok video na, “Go Ruffie! That’s what’s great about having daughters. They keep us young & cray.”

Sabi pa ng kapatid ni Ruffa na si Raymond Gutierrez na, “Omg this is the best!!!!”

Nag-reply naman si Ruffa sa komento ni Raymond at sinabing, “@mond i’ll do a baduy tiktok so maloka sila.”

Credit: Ruffa Gutierrez Instagram

Maraming netizens din ang natawa sa aktres. Narito ang ilan sa mga komento ng netizens sa Instagram post ni Ruffa.

“hahaha parang si anabel rama at ruffa in action lang”

“hahaha dami ko tawa parang c annabel”

“yung paghampas ni mommy Ruffa ang nagdala”

Credit: Ruffa Gutierrez Instagram

“your reaction is epiiiic!!! Go hot momma”

Nag-reply naman si Ruffa sa komento ng isang Instagram user na nagsabing nakikita daw niya si Annabelle Rama, ina ng aktres, kay Ruffa habang pinapagalitan ang mga anak.

Reply ni Ruffa,“@gracia_adventurista she’s worse magalit.”

Sa kasalukuyan umabot na sa 5.6 million views ang video na ito ni Lorin sa TikTok account nito.

The post Nakakatawa ang naging reaksyon ni Ruffa Gutierrez nang makita ang pagsayaw ng mga anak na sila Lorin at Venice appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments