Aktor na si Dominic Ochoa, nagbebenta ng mga prutas at iba pang pagkain para pandagdag sa kita ngayong may p@ndemya

Kakaibang diskarte ang naisip ng Kapamilya aktor na si Dominic Ochoa upang may ekstrang pagkakakitaan ngayong may p@ndemya.

Credit: Star Magic YouTube         

Para may ekstrang kita kasi ang aktor at ang asawa nitong celebrity make-up artist na si Denise Go ay naisipan nilang magbenta at magdeliver ng prutas sa village kung saan sila nakatira.

Ikinuwento ni Dominic sa kaniyang house-tour video na ibinahagi ng Star Magic sa YouTube kung paano nila naisipan ng asawa na magbenta ng prutas ngayong takot ang mga tao na lumabas at mag-grocery.

Credit: Star Magic YouTube

“Sometime, end of March, habang nagkakape kami, we decided, ‘Bakit hindi tayo magbenta ng prutas?”, paglalahad ni Dominic.

Credit: Star Magic YouTube

Dagdag pa ng aktor na, “Dahil bawal lumabas, hindi na naggo-grocery yung mga tao. We opted to sell fruits. In fact, ‘til now, nagbebenta pa rin kami.”

Credit: Star Magic YouTube

Sinimulan ng mag-asawa ang kanilang negosyo noong Marso kung saan matatandaang nagsimula rin ang lockdown sa bansa at hanggang ngayon ay patuloy pa rin sila sa pagde-deliver ng prutas at iba pang food products sa kanilang lugar.

Credit: Star Magic YouTube

Sa katunayan, pagkalipas ng dalawang buwan ay kinailangan bumili ng ekstra refrigerator nina Dominic para masiguradong sariwa at maayos na nakaimbak ang kanilang mga ibinebentang prutas.

Credit: Star Magic YouTube

Upang masigurado rin na ligtas ang binibiling produkto sa kanilang customers ay ang aktor mismo ang naghahatid sa mga order. At kung medyo malayo naman ang bahay ng customer ay idinadaan nila Dominic ang pagde-deliver sa isang delivery service gaya ng Grab Delivery o Lalamove.

Credit: Star Magic YouTube

Inihayag din ni Dominic na sa panahon ngayon kailangan nating mag-isip ng iba’t ibang paraan para kumita at imbes na ubusin ang oras sa kaka-social media mas maganda raw na maging productive upang sa gayon hindi masayang ang oras.

Credit: Star Magic YouTube

“Kaya habang ganito pa sitwasyon, kung walang trabaho, nakapag-isip kami ng misis ko na, ‘Let’s start to be productive, let’s not waste time lying down, just doing social media,” ani Dominic.

Para naman sa aktor, walang magandang maidudulot ang pagrereklamo sa panahon ngayon.

Credit: Star Magic YouTube

Aniya, “Meron kayong ginagawa…you choose to be productive, in short. Hindi yung puro na lang tayo angal, kasi hindi naman tayo tutulungan ng Diyos kung hindi naman natin tutulungan ang ating mga sarili.”

Credit: Star Magic YouTube

Ilan lamang sa mga prutas na ibinebenta nila Dominic ay Japanese sweet potatoes, mushrooms, lemon, pomelo, strawberries, blueberries, apples, fresh figs, cherry plum at marami pang iba.

Credit: Star Magic YouTube

Bukod sa mga prutas ay nagbebenta rin sila Dominic at ang misis nito ng mga jar products, gaya ng dips-in-a-jar at tinapa-in-a-jar products.

The post Aktor na si Dominic Ochoa, nagbebenta ng mga prutas at iba pang pagkain para pandagdag sa kita ngayong may p@ndemya appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments