Kapuso celebrity couple Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, tinulungan ang isang nangangailangan na senior citizen sa Davao

Marami ang tumitingin sa sitwasyon ngayon bilang isang negatibong nangyayari pero dahil sa sitwasyon ngayon ay nakikita natin at nakikilala ang mga maliliit na bayani na handang tumulong sa pamamagitan ng kanilang simpleng pamamaraan.

Credit: Jennylyn Mercado Instagram

Si Tatay Narding ay isang senior citizen na kasalukuyang naninirahan sa Santo Tomas, Davao. Katulad ng ibang mga senior citizen ay marami nang iniinda si Tatay Narding at meron siya ngayong kar@mdaman.

Credit: Jenny Pearl Tangaro Facebook

Kamakailan lang ay may dumating na biyaya kay Tatay Narding na hindi niya inaasahan at yun ay ang tulong na ipinaabot ng celebrity couple na sila Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Credit: Jennylyn Mercado Instagram

Makikita sa Facebook post ng anak ni Tatay Narding na si Jean Pearl Tangaro ang kanilang buong pusong pasasalamat kay Dennis at Jennylyn sa malaking tulong na ibinigay nito na siyang ginamit nilang pambili ng prutas, gamot at iba pang pagkain para sa kanilang tatay.

Credit: Jenny Pearl Tangaro Facebook

Ang ipinaabot na tulong nila Jennylyn at Dennis ay tulong pinansyal na kanilang ipinadala sa isa pang anak ni Tatay Narding na si Bernsky.

“Thank you, Ma’am Jennylyn Mercado and Sir Dennis Trillo for extending your help through our ate Bernsky Bergante Tangaro. It’s such a big help, you’re an angel sent from above.. Dahil sa inyo, nakabili po si Papang ng gamot, prutas at mga pagkain.”

Credit: Jennylyn Mercado Instagram

“Hindi po mapapantayan ang mga ngiti na nasilayan namin sa kanyang mga labi.. I know po na always kayong i-be-bless ni Lord dahil you’re such an amazing person, beautiful and handsome inside and out. Sana po marami pa kayong matulungan. Stay safe po kayo palagi. Godbless and we love you both.”

Credit: Jennylyn Mercado Instagram

Kwento pa ni Pearl na malaki din ang pasasalamat nila sa Diy0s dahil may mga mabubuting tao pa rin na katulad ng celebrity couple na handang tumulong sa kanila sa kabila ng hirap na nararanasan ngayon ng bansa dahil sa p@ndemy@.

Maging ang asawa ni Tatay Narding ay nagpaabot din ng pasasalamat kina Jennylyn at Dennis sa tulong na ibinigay nila para sa kanyang asawa.

The post Kapuso celebrity couple Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, tinulungan ang isang nangangailangan na senior citizen sa Davao appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments