Nagbigay ng mensahe ang half Lebanese actress na si Jessy Mendiola para sa Lebanon

Sa pamamagitan ng social media ay ipinarating ng half Lebanese aktres na si Jessy Mendiola ang kaniyang dasal at pagmamahal para sa bansang Lebanon.

Credit: Jessy Mendiola Instagram      

Sa kaniyang Instagram post ay nagbahagi ng ilang larawan ng mga biktima ang aktres-YouTuber na si Jessy sa nangyaring pagsab0g sa Beirut, Lebanon.

Credit: Jessy Mendiola Instagram

Ayon sa actress ay nadur0g ang kaniyang puso sa nangyari sa Beirut. Aniya, nakakalungkot daw na makita ang mga ganitong mga larawan. Ipinagdarasal din ng aktres ang lahat ng naapektuhan sa pangyayari.

Credit: Jessy Mendiola Instagram

Sa post ay sinabi ng actress, “What happened to Beirut bre@ks my heart so much. See photos like this is so saddening. Praying for everyone affected by this dev@stating inc!dent.”

Credit: Jessy Mendiola Instagram

Lubos ang nararamdamang lungkot ni Jessy ngayon lalo na’t itinuturing nitong second home ang bansang Lebanon dahil ito ang tahanan ng kaniyang ama.

Credit: Jessy Mendiola Instagram

Ipinanganak si Jessy sa Dubai kung saan dating nagtatrabaho ang kaniyang ama. Ang ina naman ni Jessy na si Didith Garvida ay isang full-blooded Filipina. Mayroon dalawang kapatid si Jessy.

Matatandaang noong 2019 ay nakipagkita si Jessy sa ama nitong Lebanese na si Roger Tawile sa Abu Dhabi, UAE. Nagkita ang mag-ama matapos ang 2 years na hindi nito nasilayan ang isa’t isa.

Credit: Jessy Mendiola Instagram

Ishinare ni Jessy sa kaniyang YouTube channel ang pagkikita nila ng kaniyang ama. Sa katunayan, tinanong pa nga ng aktres kung approve sa kaniya ang boyfriend nitong si Luis Manzano. Big “yes” naman ang naging tugon ng kanyang ama.

Credit: Jessy Mendiola Instagram

Kagaya ng karamihan, ang tanging dasal at hiling ng aktres ay maging mabuti na ang sitwasyon sa bansang Lebanon.

Samantala, sa latest update ng showbiz career ni Jessy ay magsisimula na ang wellness program ni Jessy na Fit For Life sa ilalim ng TV5 at ng cable subsidiary ng TV5 na Colours.

Credit: Jessy Mendiola Instagram

Sa video na ibinahagi ni Jessy sa Instagram, ishinare niya na ang whole purpose ng kaniyang bagong show ay para ipaalam sa lahat na kaya rin nilang maging fit at healthy katulad niya. Magsisimula ang wellness show ni Jessy ngayong August 16, 2020.

Bukod sa TV show, busy din sa kaniyang career bilang isang YouTube content creator si Jessy. Ang mga YouTube vlogs ni Jessy ay karamihan may kaugnayan sa health, fitness, pagmamake-up at fashion.

The post Nagbigay ng mensahe ang half Lebanese actress na si Jessy Mendiola para sa Lebanon appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments