Kapuso actor na si Tom Rodriguez, handa nang pakasalan ang longtime girlfriend na si Carla Abellana

Walang paligoy-ligoy na sinagot ng Kapuso hunk actor at digital artist na si Tom Rodriguez ang tanong kung willing ba itong pakasalan ang longtime girlfriend na si Kapuso actress Carla Abellana.

Credit: Tom Rodriguez Instagram      

Sa kaniyang interview sa morning talk show na Unang Hirit ay diretsahang sinabi ni Tom na willing siyang pakasalan si Carla kahit pa sa gitna ng p@ndemic.

Credit: Tom Rodriguez Instagram

Pag-amin ni Tom na okay sa kaniyang pakasalan ang 5-year on-and-off screen girlfriend ngunit si Carla daw mismo ang nagsabing huwag muna.

Credit: Tom Rodriguez Instagram

Sabi niya, “Ako, okay lang. Kaso nu’ng tinanong ko siya, definitely no.”

Ayon kay Tom, naiintindihan niya na gusto lamang ni Carla na espesyal ang magiging kasal at matupad ang ipinapangarap nitong kasal.

Credit: Tom Rodriguez Instagram

Bilang isang understanding na boyfriend, alam niyang importante sa isang babae na memorable at special ang magiging kasal nito kaya handa si Tom na maghintay para maibigay lang kay Carla ang dream church wedding nito.

Credit: Tom Rodriguez Instagram

Samantala, sa part one ng TomCar Q&A vlog episode sa YouTube channel ni Tom ay nagbigay ng assurance si Carla, hindi lang sa kanilang fans at supporters kundi pati na rin mismo sa kanyang boyfriend na si Tom sa mga nagtatanong kung sure ba siyang pakakasalan niya ang kanyang longtime boyfriend.

Credit: Tom Rodriguez Instagram

Ito ang sagot ni Carla sa tanong kung sure na ba siya kay Tom, “Yes. Sure ako na si Tom na ang para sa akin. Sure ako na siya talaga ang pinagdasal kong lalaki for me. Siya ‘yong answered prayer ko,”
2014 nang mauwi sa totohanan ang pagtatambalan nina Tom at Carla. Inamin ni Tom na nagsimula siyang magka-feelings sa actress dahil sa kanilang film na So Its You. Dito raw niya simulang nakita ang pagiging mabuting tao ni Carla.

Credit: Tom Rodriguez Instagram

Sinabi rin ni Carla na mas nahasa sila ni Tom as a loveteam at as a couple dahil sa mga light at comedy projects na pinagbidahan nila.

Credit: Tom Rodriguez Instagram

Sa kasalukuyan ay naghahanda si Tom para sa kaniyang mini series kasama si Kapuso sweetheart Lovi Poe.

Panoorin ang naging panayam kay Tom sa episode na ito ng Unang Hirit:

The post Kapuso actor na si Tom Rodriguez, handa nang pakasalan ang longtime girlfriend na si Carla Abellana appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments