Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, proud na ipinakita sa publiko ang tinatagong talento ng kanilang anak na si Yohan

Pinahanga ng panganay na anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Yohan ang netizens nang awitin nito ang sikat na kanta ng English-songwriter na si Adele na “Someone Like You”.

Credit: Ryan Agoncillo Instagram  

Sa isang video na ibinahagi ni Ryan sa Instagram ay ipinamalas ng 15-year-old na si Yohan ang kaniyang angking talento sa pagkanta.

Credit: Ryan Agoncillo Instagram

Mapapansin sa video na puno ng emosyon si Yohan habang kinakanta ang hit song ni Adele.

Credit: Ryan Agoncillo Instagram

Hindi lamang sa kaniyang pagkanta pinabilib ni Yohan ang netizens kung hindi dahil sa galing din nitong tumugtog ng piano.

Credit: Ryan Agoncillo Instagram

Proud na proud naman ang mga magulang ni Yohan na sina Judy Ann at Ryan sa kanilang panganay.

Credit: Ryan Agoncillo Instagram

Sa katunayan, sa huling bahagi ng Instagram video ay maririnig sa background ang papuri ni Ryan kay Yohan dahil sa galing ng performance nito.

“Good job! You’re on my team!”, ani ni Ryan kay Yohan.

Credit: Ryan Agoncillo Instagram

Proud naman kay Yohan ang kaniyang Mommy Juday at sinabing, “That’s my girl!”

Credit: Ryan Agoncillo Instagram

Ayon pa sa comment ni Ryan sa video ng anak, sinabi niyang pinaghandaan talaga ni Yohan ang nasabing singing performance.

 

View this post on Instagram

 

by adele

A post shared by Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo) on

Samantala, hindi naman binigo ni Yohan ang kaniyang mga magulang dahil maganda ang naging resulta ng kaniyang performance kung saan ay umani ito ng maraming papuri mula sa mga sikat na mang-aawit at artista.

Credit: Ryan Agoncillo Instagram

Ilan lamang sa nagbahagi ng kanilang pagkamangha ay sina Sarah Geronimo, Dingdong Dantes, Drew Arellano at marami pang iba.

Credit: Ryan Agoncillo Instagram

Nagmistulang isang achievement para kay Yohan ang papuring natanggap nito mula sa sikat na mang-aawit at The Voice Philippines judge na si Sarah Geronimo-Guidicelli nag sinabing, “galing galing naman”.

Credit: Ryan Agoncillo Instagram

Sa kasalukuyan ay umabot na sa kalahating milyon ang views ng Instagram video ni Ryan.

Si Johanna Louis Agoncillo o kilala ng karamihan bilang Yohan, ay ang adopted child ng mag-asawang Agoncillo. Bago pa ikasal sina Judy Ann at Ryan ay ina-dopt na ni Juday si Yohan dahil sa kagustuhan nitong magkaroon ng anak sa edad na 26.

Credit: Ryan Agoncillo Instagram

Apat na taong gulang si Yohan nang ipinaalam sa kaniya ng kaniyang celebrity parents na adopted child siya nang maintindihan nito ang positibong konsepto ng adoption.

Credit: Ryan Agoncillo Instagram

Ngayon na matanda na si Yohan ay inamin ni Judy Ann na may mga pagkakataon na nalulungkot si Yohan kapag naiisip nitong adopted child lang siya. Gayunpaman, hindi naman nakakalimutan ng mag-asawa na ipaalala kay Yohan na isa siyang blessing mula sa Diyos at ang kaniyang kwento ay isang inspirasyon para sa lahat.

The post Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, proud na ipinakita sa publiko ang tinatagong talento ng kanilang anak na si Yohan appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments