Alamin kung nasaan na ngayon ang 90’s actor na si Onemig Bondoc pagkatapos niya lisanin ang mundo ng showbiz

Ang aktor na si Juan Miguel Rivera Bondoc o mas kilala bilang Onemig Bondoc ay nakilala noong dekada 90 sa kanyang kahusayan sa pag-arte mula sa mga pelikula at mga TV show na ginampanan niya noon.

Credit: tgisagimik Instagram 

Isa si Onemig sa mga hinahangaan ng mga kakabaihan dahil sa kanyang angking kagwapuhan at pagiging masiyahin noong kapanahunan niya.

Credit: 90s.fangirl Instagram

Sinimulang pasukin ni Onemig ang paga-artista noong 1995 at siya’y hinangaan mula sa kanyang mga pelikulang pinagbidahan kabilang na rito ang ‘Tabi-tabi po’ at ‘Jologs’ noong taong 2002 at ‘Trip’ noong 2001.

Credit: 90s.fangirl Instagram

Maliban sa mga ginampanang pelikula ay lumabas din ang aktor sa mga TV series na TGIS ‘Thank God It’s Sabado’ at ‘Growing Up’.

Sa kabila ng kanyang kasikatan ay mas pinili ni Onemig na lisanin ang showbiz at lumagay sa katahimikan noong 2006 kasama ang kanyang dating asawa na isang Half-French at Half-Filipina na aktres at modelong si Valerie Bariou.

Credit: @1mig.bondoc Facebook

Nagbunga ang kanilang pagmamahalan at nabiyayaan sila ng 2 anak ni Valerie.

Ngunit noong taong 2013 ay ibinahagi ng aktor ang paghihiwalay nila ng kanyang asawa sa kadahilanang hindi na sila nagkakaintindihan nito.

Credit: finecraftsmen Instagram

“We can’t meet halfway, gusto niya siya lang puwedeng magkamali pero yung mga tao sa paligid niya, dapat hindi magkamali. ‘Yon yung rason kung bakit hindi ko na kinaya at nakapaghiwalay na ako sa asawa ko,”

Credit: marklorenztv Instagram

Ipinaglaban naman ni Onemig ang pagkuha ng sole custody ng kanyang dalawang anak sa hukuman na agad namang pinanigan ng korte dahil ayon sa kanya ay walang kakayanan si Valerie na maalagaan ang mga ito ng maayos.

“I’m doing this for my kids because sobrang mahal ko yung mga anak ko, na feeling ko hindi siya capable of taking care of her kids.”

Credit: finecraftsmen Instagram

Kasalukuyan naman ngayong ine-enjoy ng aktor ang pagiging isang avid cyclist at ang masayang pamumuhay nito sa probinsya kasama ang kanyang mga anak sa Mariveles, Bataan na kung saan ay nagpatayo siya ng isang food franchise business.

The post Alamin kung nasaan na ngayon ang 90’s actor na si Onemig Bondoc pagkatapos niya lisanin ang mundo ng showbiz appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments