Anak ni Jodi Sta. Maria na si Thirdy, pinag-uusapan ngayon sa social media dahil sa video niya na pinost ni Jodi na talagang nagpahanga sa mga netizen

Iba ang pagiging proud ng isang magulang para sa achievement ng mga anak. Kung pwede lang nila isigaw at ipangalandakan ito sa mundo ay gagawin nila. Hindi sila nahihiya dahil ganun nila ipinapakita ang pagiging proud sa mga anak.

Credit: Jodi Sta. Maria Instagram   

Ganyan din ang aktres na si Jodi Sta. Maria na kamakailan lang ay nagpost ng video sa kanyang Instagram story kung saan makikita ang kanyang anak na si Thirdy Lacson na nagwo-workout.

Credit: Jodi Sta. Maria Instagram

Kitang-kita sa video na kahit sa murang edad pa lamang ni Thirdy na 14 years old ay determinado na ito sa pageehersisyo at pananatiling maganda ng pangangatawan.

Credit: Jodi Sta. Maria Instagram

Bukod pa dito ay makikita sa video ang napaka-fit na katawan ni Thirdy na may abs. Ito ang dahilan kung bakit pinaguusapan ngayon si Thirdy sa social media.

 

View this post on Instagram

 

flexin’ 💪🏽 08.11.20.

A post shared by jaspin (@jordy_ph) on

Ito ang mga naging komento tungkol sa pinost ni Jodi.

“Naku may binata ka na pala parang kelan lang baby mo siyang pinapakita sa mundo ngayon binata na ang bilis talaga ng panahon”

Credit: Jodi Sta. Maria Instagram

“Binata na talaga…be a good boy and stay humble..God bless Ms.Jodi and son..❤🧡💛💚💙💜

Noong nakaraang taon ay nagpost din si Jodi ng letrato ni Thirdy na nagpapa-ayos ng buhok. Dito ay sinabi ni Jodi kung gaano kabilis ng panahon at binata na ang kanyang anak.

Credit: Jodi Sta. Maria Instagram

“Time flies so fast. Parang kailan lang karga karga kita, ngayon halos mag-kasing laki na tayo at ikaw na ang namimili ng damit na susuotin mo at hairstyle na gusto mo..pero kahit ano pang mangyari at ilang taon pa ang lumipas..ikaw parin ang baby boy ko. Love you babe. ❤

Credit: Jodi Sta. Maria Instagram

Si Thirdy ay anak ng aktres na si Jodi Sta. Maria sa kanyang ex-husband na si Pampi Lacson. Pagkatapos ng kanilang ilang taong pagsasama ay nagdesisyon ang dalawa na maghiwalay.

Ang ex-husband ni Jodi na si Pampi ay karelasyon ngayon ang Kapuso actress na si Iwa Moto.

Credit: Aileen Iwamoto Instagram

Hindi man nag-umpisa sa maganda ang relasyon ni Jodi at Iwa ay ngayon ipinapakita nila sa lahat na tuluyan ni nilang napatawad ang isa’t isa at itinuturing ang isa’t isa na parte ng pamilya.

Credit: Aileen Iwamoto Instagram

Makikita din sa mga post ni Iwa kung gaano niya kamahal si Thirdy at kung paano niya ito tratuhin na para na niyang sariling anak.

The post Anak ni Jodi Sta. Maria na si Thirdy, pinag-uusapan ngayon sa social media dahil sa video niya na pinost ni Jodi na talagang nagpahanga sa mga netizen appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments