Janine Gutierrez, ibinuking ang boyfriend na si Rayver Cruz na sobrang hilig mag-ML at minsan ay naiinis pa kapag naiistorbo ni Janine

Maraming katotohanan tungkol sa isa’t isa ang ibinunyag ng real-life couple na sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz sa programang “Mars Pa More” ng Kapuso network.

Credit: GMANetwork YouTube      

Ang pakulo ng show ay dapat sagutin ng celebrity couple ang mga tanong na ibabato ng mga host na sila Iya Villania at Camille Prats kung hindi ay kailangan nilang uminom ng isang shot ng purong calamansi extract bilang consequence.

Credit: GMANetwork YouTube

Isa na nga rito ay ang inirereklamo ng Kapuso actress tungkol sa pagiging sobrang hilig ni Rayver sa paglalaro ng mga mobile game lalo na ang Mobile Legend.

Credit: rayvercruz Instagram

Sa bahagi ng programa kung saan ay kailangang dugtungan ng bawat isa ang linyang “Masaya ako sa current relationship namin pero…”, inamin ni Janine na isa sa mga inirereklamo niya tungkol sa nobyo ay ang pagkahilig nito sa mobile games.

Aniya, “Sobrang ad!k niya sa mobile legends and sa Call of Duty. ‘Yung video games. So I think nasabi ko na ‘to actually sa Mars dati na hindi mo siya pwede matawagan sa cellphone kasi baka ma-interrupt mo ‘yung paggi-game niya. At maririnig mo sa pagsagot niya na parang medyo wrong timing ka.”

Credit: rayvercruz Instagram

Dagdag pa niya, sinusubukan naman daw ni Rayver na itago ang inis nito kapag tinatawagan siya ni Janine sa kalagitnaan ng kaniyang paglalaro.

Sinabi pa ni Janine, “He’ll try to hide it pero I can tell na ‘yun ‘yong parang sobrang focus niya…”

Ikinuwento rin ni Janine na bilang nobyo ay wala na siyang iba pang mairereklamo kay Rayver. Masunurin at mabait daw kasi ito.

Credit: rayvercruz Instagram

Ani Janine, “Sa totoo lang si Rayver sobrang dali kausap…To a fault, na…like kanina ‘yung sinasabi niya na tinuruan ko siyang mag-segregate ‘di ba? Ngayon siya na din ‘yung naghahatid nung mga plastic ko doon sa recycling.”

Si Rayver naman ay piniling inumin ang kalamansi extract dahil masayang-masaya na raw siya sa piling ng aktres. Ayon pa kay Rayver, perfect na raw si Janine.

Credit: GMANetwork YouTube

“Ako mga Mars super super happy…super perfect [ni Janine]”, ani Rayver sa mga host ng programa na sina Iya Villania at Camille Prats.

Samantala, ibinuking din ni Janine sa programa ang isang pagkakataon na naisahan umano siya ni Rayver.

Credit: rayvercruz Instagram

Pagkukuwento ni Janine, feeling daw niya naisahan siya ni Rayver nang niregaluhan siya nito ng PlayStation.

Akala kasi ni Janine ay para sa kaniya talaga ang regalo. Masayang-masaya pa nga raw siya dahil bata pa siya nang huling nagkaroon ng PlayStation.

Aniya, “Sabi ko wow! Playstation. Bata pa ko nu’ng huling nagka-playstation ako.”

Credit: GMANetwork YouTube

Ngunit ang hindi alam ni Janine na kaya siya niregaluhan ng nobyo ng PlayStation ay para sa tuwing bibisita ito sa kaniya ay may mapaglalaruan ito.

“Natuklasan ko eventually na dahil pala pagbisita niya ay magpe-playstation siya…Wais din eh,” pambubuking ni Janine.

Mukhang proud naman si Rayver na naisahan niya ang nobya at sinabing, “That’s how I do it.”

The post Janine Gutierrez, ibinuking ang boyfriend na si Rayver Cruz na sobrang hilig mag-ML at minsan ay naiinis pa kapag naiistorbo ni Janine appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments