Asawa ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico, ipinakita ang nakakatuwang morning ritual nila ni Baby Thylane

Umani ng maraming reaksyon mula sa netizens ang nakatutuwang video na inupload ng asawa ng aktres na si Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa Instagram kung saan ay makikitang nag-eenjoy ang kanilang anak na si Baby Thylane habang isinasayaw ito ng kaniyang daddy na si Nico.

Credit: Nico Bolzico Instagram 

Bukod kasi sa nakakaaliw na pagsasayaw at ekspresyon ng mukha ni Nico ay agaw pansin din sa video ang napaka-adorable na ngiti at tawa ni Baby Thylane.

Ayon sa Argentine husband ni Solenn naging ritwal na raw talaga nila ni Baby Thylane tuwing umaga ang ginagawang pagsasayaw.

Credit: Nico Bolzico Instagram

Kuwento pa ni Nico, sinisigurado talaga niya na nagagawa nila ni Baby Thylane ang ritwal na ito pagkatapos magising ni Baby Thylane sa kaniyang morning nap.

“Sharing one of our morning rituals after she wakes up from her morning nap that #ElPadre have 100% efficacy in making it happen!”, ani Nico sa caption ng IG post.

Credit: Nico Bolzico Instagram

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nico Bolzico (@nicobolzico) on

Patok na patok naman sa netizens ang video na ito nila Nico at Baby Thylane. Narito ang ilan sa mga komento ng netizens.

“She’s always smiling!!!”

“She is really enjoying”

“Soon to be professional dancer”

Credit: Nico Bolzico Instagram

“hahahaha! Super cute ohh father and daughter!!!”

Samantala, hindi lang ito ang pagkakataon na nagbahagi si Nico ng kanilang bonding moments ni Baby Thylane sa social media.

Credit: Nico Bolzico Instagram

Kamakailan lang ay nag-upload din si Nico ng “how to carry a baby” tutorial sa Instagram kung saan ay masayang-masaya si Baby Thylane habang kinakarga ito ni Nico sa iba’t ibang paraan.

Sa katunayan ay nag-trending pa nga ang Instagram video na ito ni Nico at umabot na sa mahigit 1 million ang views.

Credit: Nico Bolzico Instagram

January 1, 2020 nang isilang ni Kapuso actress, model at painter Solenn Heussaff si Baby Thylane.
Matatandaang, pinili muna ng first time parent na hindi ipakita ang mukha ni Baby Thylane sa social media noong mga unang buwan pagkatapos nitong ipanganak. Buwan ng Abril ay unang nasulyapan ng netizens ang napakaganda at ubod sa cuteness na si Baby Thylane na bumihag sa atensyon at puso ng mga netizen.

Credit: Nico Bolzico Instagram

Dahil din sa pagiging likas na nakakatawa ni Nico at pagiging adorable ni Baby Thylane ay hindi na nakapagtataka kung bakit sinusundan talaga ng mga netizen ang susunod na video ng dalawa sa social media.

The post Asawa ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico, ipinakita ang nakakatuwang morning ritual nila ni Baby Thylane appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments