Bagong proyekto ng KathNiel na talagang aabangan ng kanilang fans, ipinasilip ng ina ni Daniel na si Karla Estrada sa social media

Isa ang KathNiel sa mga paborito at inaabangan love-team sa telebisyon. Kaya’t maraming nasasabik sa bagong proyektong gagawin ng real-life celebrity couple na sina Kapamilya actress Kathryn Bernardo at ng aktor na si Daniel Padilla.

Credit: Karla Estrada Instagram      

Umugong ang balitang may bagong proyektong aabangan ang mga fan ng KathNiel dahil sa mga larawang ibinahagi sa Instagram ng ina ni Teen King Daniel na si Kapamilya TV host Karla Estrada nitong August 26, 2020.

Ani ni Karla sa IG post, “Exciited for this!!!”

May nakalagay din na petsa sa IG post at mukhang sa petsang ito ay iaanunsyo nang KathNiel ang bagong proyekto o ito ang araw na ilulaunch kung ano man ang proyekto ng love team.

Credit: Karla Estrada Instagram

“Abangan! 08-31-2020”, ani Karla.

Sa Instagram post ay makikita ang KathNiel na magkasama sa isang recording studio. Bukod dito, kapansin-pansin din ang ribbon na nakalagay sa damit ng KathNiel kung saan ay mayroong tatlong kulay na sumisimbolo sa ABS-CBN Network.

Sa isang post din sa Facebook page ng Kapamilya Online World ay naglabas din ito ng mga letrato ng love team na magkasama sa recording studio at naglagay ng caption na, “KATHNIEL “Walang iwanan hanggang sa buwan” 🌙#Aug31 ❤💚💙 MANININGIL ANG KASAYSAYAN!” 

Credit: Karla Estrada Instagram

Hindi pa malinaw kung anong proyekto ito ng KathNiel kaya naman marami na ang excited at nag-aabang kung ano ito.

Umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa mga fans ng KathNiel ang pasilip na ito ng kanilang bagong proyekto. Narito ang ilang komento ng netizens.

Credit: Kapamilya Online World Facebook

“We’re soooo excited!!!!”

“Yay tita excited na po kami, can’t wait”

“Sa wakas mgksama na cla .ulit”

Credit: Kapamilya Online World Facebook

“Yehey Excited Kapamilyaforever”

“Ayiee…sa wakas lalabas na at magkasama sila. So excited. Love you Kathniel”

Matatandaang, walang naging proyekto na magkasama noong nakaraang taon ang KathNiel dahil nakapokus muna sila sa kaniya-kaniyang career.

Credit: Kapamilya Online World Facebook

September noong nakaraang taon din ay napabalitang magkakaroon ng bagong teleserye ang KathNiel ngayong taon.

January ngayong taon naman nang muling pumirma ng 3-year contract sa Kapamilya network ang KathNiel. Ayon sa artikulong inilathala ng ABS-CBN ay balik-tambalan muli ang KathNiel sa isang pelikula at sa teleseryeng “Tanging Mahal”.

Credit: Kapamilya Online World Facebook

Samantala, taong 2018 pa nang huling magsama ang KathNiel sa isang proyekto. Ito ang kanilang pelikula na “The Hows of Us” kung saan ay gumanap sila bilang isang young couple na humaharap sa iba’t ibang problema sa kanilang relasyon.

The post Bagong proyekto ng KathNiel na talagang aabangan ng kanilang fans, ipinasilip ng ina ni Daniel na si Karla Estrada sa social media appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments