Ito ang mga aktres na nasa 40s na ang edad pero mukha pa ring bata at napanatili pa rin ang mga angking kagandahan

Maraming kababaihan ngayon ang naghahangad na makahanap ng “perfect beauty regimen” para mapanatili ang kanilang kagandahan na para bang hindi sila tumatanda. Ngunit para sa mga aktres na ito, mukhang nahanap na nila ang solusyon upang magmukhang bata at maganda pa rin kahit nasa kanilang 40s na.

1. Sunshine Cruz

Credit: Sunshine Braden Cruz Instagram            

Sa edad na 43, marami pa rin ang nabibighani sa kagandahan ni Sunshine. Bukod sa pagiging maganda, napanatili rin ng aktres ang kaniyang seksing pigura.

2. Angel Aquino

Credit: Angel Aquino Instagram

Sa isang artikulo na inilathala ng PUSH, ibinunyag ni Angel ang kaniyang panlaban laban sa pagtanda. Ito ay ang pag-inom ng tubig, regular na pag-eehersisyo, paggamit ng moisturizer at pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay. May dalawa nang anak si Angel sa edad na 47.

3. Ruffa Gutierrez

Credit: Ruffa Gutierrez Instagram

Sa edad na 46, napakaganda pa rin ni Ruffa kahit na maraming taon na ang nakalipas mula nang maiuwi niya ang titulo bilang 1993 Miss World 2nd runner-up.

4. Lucy Torres-Gomez

Credit: Lucy Torres-Gomez Instagram

Isa ang aktres at ngayo’y isa na ring pulitiko na si Lucy sa mga hinahangaan ng mga kababaihan dahil sa walang kupas na ganda at alindog nito sa edad na 46.

5. Ina Raymundo

Credit: Ina Raymundo Instagram

Isa sa pinakasexy at pinakamagandang artista noong dekada ’90 ay ang aktres na si Ina Raymundo. Ngayon, marami ang nagtatanong kay Ina kung paanong sa edad na 44 ay napanatili pa rin nito ang kaniyang kaseksihan at kagandahan sa kabila ng pagkakaroon ng limang anak.

6. Chesca Garcia

Credit: Chesca Garcia Kramer Instagram

Sa edad na 40 ay matingkad pa rin ang kagandahan ng dating “Ang TV” star na meron nang tatlong anak.

7. Aubrey Miles

Credit: Aubrey Miles Instagram

Active at healthy lifestyle naman kasama ang asawang si Troy Montero ang naging susi ng aktres at TV host na si Aubrey Miles para magmukhang bata at malakas pa rin sa edad na 42. Sa katunayan, makikita sa Instagram account ng aktres ang mga ginagawa nilang ehersisyo ni Troy.

8. Ciara Sotto

Credit: Ciara Sotto Instagram

Walang mag-aakala na 40 years old na ang dating “Thank God It’s Sabado” actress na si Ciara Sotto. Hanggang ngayon kasi ay young at fresh-looking pa rin ito.

9. Vina Morales

Credit: Vina Morales Instagram

Sa edad na 44, ay maituturing na isa sa pinaka-sexy na actress at performer si Vina Morales.

10. Carmina Villarroel-Legaspi

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi Instagram

Matapos ang ilang taon na pagiging artista ay napanatili pa rin ng aktres at TV-host na si Carmina Villarroel ang kaniyang youthful glow. Kaya’t hindi na nakapagtataka kung saan namana ng kaniyang kambal na anak na sina Mavy at Cassy ang kanilang kagwapuhan at kagandahan.

11. Charlene Gonzales-Muhlach

Credit: Charlene Gonzales Muhlach Instagram

Timeless din na maituturing ang kagandahan ni Miss Universe 1994 Charlene Gonzales. Sa edad na 46 ay napanatili ni Charlene ang kaniyang classic beauty.

12. Mylene Dizon

Credit: Mylene Dizon Instagram

“Genuine happiness is the secret to all beauty”, ito ang inamin ng aktres na si Mylene Dizon ng maging cover siya para sa isang sikat na magazine sa Pilipinas.

13. Judy Ann Santos-Agoncillo

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

Hindi mo aakalain ng tatlong dekada na pala sa showbiz ang sikat at hinahangaang aktres na si Judy Ann dahil kahit 42 years old na siya ay hindi pa rin naglalaho ang kanyang karisma.

The post Ito ang mga aktres na nasa 40s na ang edad pero mukha pa ring bata at napanatili pa rin ang mga angking kagandahan appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments