Tignan ang romantic engagement proposal kay Melissa Ricks ng kanyang non-showbiz boyfriend sa Batangas

Engaged na ang dating aktres na si Melissa Ricks sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Michael Macatangay.

Credit: Niceprintphoto Instagram     

Kabilang sa naging witness sa engagement ay ang Kapamilya showbiz reporter na si Gretchen Fullido na nagbahagi ng ilang larawan sa naganap na engagement.

Sa Instagram post ni Gretchen, sinabi nitong nangyari ang intimate surprise engagement sa Batangas.

Credit: Gretchen Fullido Instagram

Sa isang larawan ay makikita na proud na proud si Melissa na ipakita ang kaniyang diamond ring habang nasa tabi ni Michael.

Masayang ibinahagi rin ni Gretchen ang ilan pang mga larawan na kuha sa engagement ni Melissa at Michael.

Credit: Gretchen Fullido Instagram

Sa mga larawan ay makikitang dinaluhan ng ilan sa mga malalapit na pamilya at kaibigan ni Melissa ang naganap na engagement party.

Kabilang dito ay ang aktres na si Empress Schuck na isa sa mga matalik at matagal ng kaibigan ni Melissa pati na rin ang non-showbiz boyfriend nitong si Vino Guingona.

Credit: Gretchen Fullido Instagram

Ayon sa caption ng IG post ni Gretchen, sinabi nitong masaya siya para sa kaibigang si Melissa. Sinabi rin ni Gretchen na answered prayer daw na maituturing ang naging engagement ni Melissa.

Aniya, “My dearest @mellyricks09 & Michael Macatangay are engaged!!! The intimate surprise engagement happened in Batangas & witnessed by close family and friends.”

Dagdag pa ni Gretchen, “Love you Nini! Finally! Answered prayer! Thank you Lord!!!”

Credit: Gretchen Fullido Instagram

Samantala, kasama rin sa mga litratong ibinahagi ni Gretchen ang masayang litrato nina Melissa at Michael kasama ang 5 years old na anak ng aktres na si Keira.

Ang isa pang matalik na kaibigan ni Melissa na si Empress ay nagpost din sa kanyang Instagram stories kung saan makikitang ang pagiging emosyonal na magkasintahan habang nakaluhod si Michael at nagpopropose sa dalagang aktres.

Credit: Melissa Ricks Instagram

Matatandaang, November noong nakaraang taon nang unang inanunsyo ni Melissa ang relasyon nito kay Michael. Sa larawang ibinahagi nito sa kaniyang Instagram ay tinawag nitong “my Love” si Michael at sinabing “answered prayer” daw ito.

Credit: Gretchen Fullido Instagram

Bago dumating si Michael sa buhay ni Melissa ay naging boyfriend muna ni Melissa si Charles Togekazi na isang chef at businessman. Ang non-showbiz ex-boyfriend niyang ito ang ama ng kaniyang anak na si Keira.

Credit: Niceprintphoto Instagram

Unang nakilala si Melissa ng manonood nang sumali ito sa Kapamilya reality talent search na Star Circle Quest kung saan ay itinanghal siya bilang 2nd runner-up. Tumatak din siya sa mga manonood dahil sa kaniyang pagganap sa ilang pelikula at teleserye kagaya ng Kambal sa Uma (2009), Nasaan Ka, Elisa? (2010), Shake, Rattle and Roll 9 (2007) at marami pang iba.

The post Tignan ang romantic engagement proposal kay Melissa Ricks ng kanyang non-showbiz boyfriend sa Batangas appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments