Andi Eigenmann, masayang inanunsyo ang pagbubuntis sa kanyang ikatlong baby

Masayang inanunsyo ng dating aktres at ngayo’y vlogger na si Andi Eigenmann sa kaniyang pinakabagong vlog ang kaniyang pagbubuntis sa pangatlong anak.

Kasabay ng kaniyang birthday greeting para sa kaniyang partner na si Philmar Alipayo, na isang professional surfer na naka base sa Siargao, ay excited na inanunsyo ni Andi ang pagbubuntis.

Credit: Happy Islanders YouTube

Sa unang bahagi ng vlog ay humingi ng pasensya si Andi kay Philmar dahil wala sila sa tabi nito upang i-celebrate ang kaarawan ni Philmar ng magkakasama.

Kinakabahan man ay sinubukan pa rin ni Andi na magbigay ng mensahe para kay Philmar sa pamamagitan ng Siargaonon dialect.

Credit: Happy Islanders YouTube

Mensahe ni Andi, “Happy Birthday mahal ko. We miss you so much. I hope we get to go home to the island soon so we can be together again and we can celebrate your birthday together.”

Sa vlog din ay nagpasalamat si Andi sa lahat ng ginawa ni Philmar bilang partner at ama sa kanilang mga anak.

“First, thank you very much for everything you do for our family.”

Credit: Happy Islanders YouTube

Dagdag ni Andi, “For me. I have this really awesome life with you and because of you as well. I live in a really nice island. I live in a paradise because of you, and with you and with the kids.”

Hiling ni Andi para kay Philmar, “I hope you are also happy to have us in your life. To have me. I hope you’ll always be happy. And that you’ll keep inspiring everyone to work hard everyday to achieve their dreams.”

Credit: Happy Islanders YouTube

Humingi rin ng paumanhin si Andi dahil hindi pa siya gaanong magaling magsalita ng bisaya. Nangako rin itong magpa-praktis nang maiging magsalita ng Siargaonon para kay Philmar at sa mga anak nito.

Sa huling bahagi ng vlog ay sinabi ni Andi ang kaniyang sorpresa at birthday gift para kay Philmar.

Credit: Happy Islanders YouTube

“We can’t wait to go back there and be complete again soon with you, me, Ellie, Lilo and newest happy islander on the way. I am so happy to be building this family with you and I hope you consider this an amazing gift for you on your birthday,” saad ni Andi.

Sa vlog ay ipinakita rin ni Andi ang kaniyang lumalaking tiyan.

Credit: Happy Islanders YouTube

Samantala, hindi naman sinabi ni Andi kung ilang buwan na ang kaniyang tiyan ngunit inaasahang ipapanganak ni Andi ang kaniyang pangatlong anak sa 2021.

Sa kasalukuyan ay nasa Manila si Andi kasama ang kaniyang mga anak na si Ellie at Lilo.

The post Andi Eigenmann, masayang inanunsyo ang pagbubuntis sa kanyang ikatlong baby appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments