Ikwinento ni Luis Manzano na simula pagkabata ay hindi pa niya naranasang makasama sa loob ng mall ang kanyang inang si Vilma Santos

Tunay ngang may advantage at disadvantage ang pagiging anak ng isang artista o ang isang pagiging artista.

Credit: Vilma Santos-Recto Instagram      

Ito ang inamin ng TV host at komedyanteng si Luis Manzano sa “heart to heart talk” na ginawa nila sa YouTube channel ng girlfriend na si actress-host Jessy Mendiola.

Ayon kay Luis, hindi niya naranasan ang mamuhay ng normal noong bata pa siya dahil sa kasikatan ng kaniyang Mommy na si Star for All Seasons Vilma Santos.

Credit: Vilma Santos-Recto Instagram

Sa YouTube vlog ng kaniyang girlfriend na si Jessy ay ibinunyag ni Luis na walang pagkakataon na lumabas sila ng kaniyang Mommy Vilma na hindi pinagkakaguluhan ng fans nito.

Kuwento pa ni Luis, sinubukan naman daw ng kaniyang Mommy Vilma na bigyan siya ng normal na buhay ngunit hindi nagtagumpay ang kaniyang Mommy dahil sa hindi masukat na kasikatan nito.

Credit: Vilma Santos-Recto Instagram

Kaya ng matanong ng kaniyang girlfriend na si Jessy kung sino pa ang gustong maka-date ni Luis bukod sa kaniya ay hindi na nagdalawang-isip si Luis at agad na sinabing ang Mommy niya.

Aniya, “From my heart, mommy ko. Seryoso. Kasi ‘yun ‘yung isang bagay na hindi namin nagawa ng ermat ko — have something na parang quality time.”

Credit: Luis Manzano Instagram

Binalikan din ni Luis ang pagkakataon kung saan ay dinala siya ng Mommy Vilma sa mall upang mag-grocery na karaniwang ginagawa ng mag-ina.

Ayon kay Luis, ito raw ang pagkakataon kung saan ay sinubukan ng kaniyang Mommy na iparanas sa kaniya ang normal na buhay. Gayunpaman, hindi natuloy ang sana’y bonding nila ng kaniyang Mommy dahil pagtapak pa lang raw ng kaniyang Mommy Vilma sa Mall ay dinumog kaagad ito ng mga tao.

Credit: Luis Manzano Instagram

“Yung isang beses nga nag-grocery kami ni Mommy…ito ‘yung attempt ni Mommy na bigyan ako ng isang normal life,” pagkukuwento ni Luis.

Dagdag pa niya, “Nu’ng bata ako, dinala niya ako sa grocery. Siguro mga six ako nito or seven years old para ma-experience na yung mommy kasama ‘yung anak, ‘di ba pag naggo-grocery?”

Credit: Luis Manzano Instagram

“Pagtapak pa lang namin, siguro mga tatlong tapak pa lang, parang mall show. Hindi na kami naka-forward.”

Paglalahad pa ni Luis, “Pagpasok pa lang sa grocery, nakilala nila mommy ko. Tapos diretso dinala ako ni Mommy sa kotse tapos uwi na kami. So basically wala kami nagawa.”

Credit: Luis Manzano Instagram

Kahit simpleng paglalakad nga raw sa mall kasama ang kaniyang Mommy Vilma ay hindi naranasan ni Luis.

Kaya kung si Luis ang papipiliin ay gusto nitong maranasan na makasama ang magulang sa isang date kung saan ay kasama rin ang kaniyang half-brother na si Ryan Recto.

Credit: Luis Manzano Instagram

“So isang quiet night siguro with my mom and Ryan,” hiling ni Luis.

Credit: Luis Manzano Instagram

Sa mga hindi nakakaalam ay anak si Luis nina Vilma Santos at actor-host Edu Manzano.

The post Ikwinento ni Luis Manzano na simula pagkabata ay hindi pa niya naranasang makasama sa loob ng mall ang kanyang inang si Vilma Santos appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments