Lyca Gairanod, naging emosyonal nang balikan ang mahirap at masasayang alaala nang mag-house tour ang dating bahay

Hindi napigilan ni Lyca Gairanod na maging emosyonal habang binabalikan ang mahirap ngunit masayang pamumuhay sa dating tirahan sa Tanza, Cavite.

Credit: Lyca Gairanod YouTube        

Sa kaniyang latest vlog ay ibinahagi ng 15 taong gulang na singer sa kaniyang mga subscribers ang isang house tour sa dating tinitirhang bahay.

Credit: Lyca Gairanod YouTube

Sa house tour ay binalikan ni Lyca ang ilang alaala noong nakatira pa siya sa dating bahay na hanggang ngayon ay hindi pa niya nakakalimutan.

Mula sa mga lumang lalagyanan ng damit, mga gamit sa bahay hanggang sa kanilang bintana na tanaw ang dagat kung saan nagbo-vocalize si Lyca kasama ang kaniyang ama.

Credit: Lyca Gairanod YouTube

Maging ang mga hirap na pinagdaanan ng kanilang pamilya tuwing nananalasa ang bagyo ay inalala rin ni Lyca. Tuwing may bagyo kasi ay kinailangan nilang mag-evacuate. Marami ring beses na nasira ang kanilang bahay dahil sa bagyo.

Credit: Lyca Gairanod YouTube

“Marami kasing nabago dito sa bahay namin kasi inayos ko. Kasi nga diba nagkaroon ng problema sa bahay na ‘to kasi nagkaron ng bagyo. ‘Di pa rin nasisira ‘yung bahay namin. Strong!”, kuwento ni Lyca.

Credit: Lyca Gairanod YouTube

Ngunit kahit simple lang ang kanilang pamumuhay noon ay nangako si Lyca na hindi niya kakalimutan ang bahay na siyang nagbigay ng maraming alaala sa kaniya noong siya’y bata pa.

Aniya, “Napakasarap tumira sa ganitong bahay. Sobrang presko. ‘Di ko kayang kalimutan kung saan ako nanggaling. Hanggang ngayon gusto ko bumalik sa buhay namin dati pero thankful ako sa blessing na natatanggap ko – na nakakain kami ng pamilya ko ng maayos.”

Credit: Lyca Gairanod YouTube

Kasalukuyang nakatira sa dating bahay ni Lyca ang kaniyang lola. Mas pinili kasi nitong manatili roon.

Taong 2014 nang itinanghal si Lyca na winner ng “The Voice Kids Philippines Season 1” kung saan ay nakakuha siya ng singing contract sa ilalim ng MCA Music Inc.

Credit: Lyca Gairanod YouTube

Matatandaang bago ang kaniyang pagkapanalo sa Kapamilya singing competition ay pangongolekta ng plastic at iba pang recyclable materials ang naging source of income ng kanilang pamilya bukod sa kinikita ng kaniyang ama mula sa pangingisda.

Credit: Lyca Gairanod YouTube

Samantala, umabot na sa mahigit 1.5 million ang nalikom na views ng house tour vlog ni Lyca.

Narito naman ang ilang komento ng netizens sa kaniyang house-tour.

Credit: Lyca Gairanod YouTube

“I stan for lyca, di lumaki ulo niya”

“Everything about this is so pure, Lyca’s laugh is contagious. I love this so much, my heart has been touch in so many ways”

Credit: Lyca Gairanod YouTube

“grabe, the humility and the heart is really pure”

The post Lyca Gairanod, naging emosyonal nang balikan ang mahirap at masasayang alaala nang mag-house tour ang dating bahay appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments