Robin Padilla, ipinagtanggol ang asawang si Mariel Rodriguez sa mga nangungutya dito dahil sa kanyang pagtaba

Kamakailan lang ay binigyang pugay ng aktor na si Robin Padilla ang kanyang asawang si Mariel Rodriguez dahil sa kanyang mga sakripisyo bilang isang ina at kanyang pagiging mapagmahal na asawa.

Credit: Robin Padilla Instagram      

“Ang bawat yapak ng isang ina ay sakripisyo at pagmamahal sa kanyang Anak katulad din ng kanyang bawat talon ay puno ng pag ibig at pagmamalasakit sa kanyang asawa.”

Credit: Mariel Padilla Instagram

Sa post ni Robin ay inalala niya ang panahon noong dalaga pa si Mariel at kung paano nito inalagaang mabuti ang sarili at kasama na dito ang kanyang panglabas na kaanyuan.

Credit: Mariel Padilla Instagram

“Nakilala ko ang dalagang mariel na mahal na mahal ang kanyang sarili, nakapaikot ang mundo sa kanyang kaseksihan, kagandahan, gamit at kabangohan. Ang lahat ng bagay ay patungkol sa kanya.”

Matapos nito ay nagsimula na si Robin sa pagsabi na may mga tao ngayon na masakit ang sinasabi sa kanyang asawa dahil sa paglaki ng pangagatawan ni Mariel pagkatapos manganak sa kanilang pangalawang baby.

Credit: Mariel Padilla Instagram

“May mga pumupuna sa kanyang kalusugan ngayon, ang iba ay nagiging labis pa ang mga hirit para itoy makasakit.”

Dito ay nagsimula nang ipagtanggol ni Robin ang asawa at ipinaliwanag ang rason sa pagbabago sa pangangatawan ni Mariel.

Credit: Mariel Padilla Instagram

“Ang asawa ko ay dumaraan sa napakatinding estado ng kanyang buhay. Kanyang iniwan ang pagmamahal sa sarili para sa pagmamahal sa kanyang mga anak. Wala naman sigurong babae ang nangarap o sinadyang sila ay lumusog lalong lalo na sa isang katulad ni mariel.”

Ayon kay Robin ay lumusog ang pangangatawan ni Mariel dahil gusto nitong lumakas ang supply ng kanyang bre@stmilk para sa kanilang anak na si Gabriella.

Credit: Mariel Padilla Instagram

“Iba iba ang reaction ng katawan ng mga babae sa pagkakaroon ng anak, may mga pinagpala na maraming gatas meron din naman mga walang gatas. Si mariel ay nasa kategorya ng wala talagang gatas. Lahat ng konsultasyon ginawa niya sa mga experto para natural na dumaloy ang gatas sa kanya ngunit lahat ay may kalungkutan.”

Credit: Mariel Padilla Instagram

“Hindi lumusog ang cooking inang si mariel dahil nais lang niya magpakalunod sa pagkain. Ang tanging paraan lamang na magkaroon siya ng gatas na ipapa breast feed kay maria gabriela ay kumain siya ng madalas at marami! kasama na ang paglimas ng lactation cookies,pag inom ng mainit na chokolate, malunggay, at vitamins.”

Credit: Mariel Padilla Instagram

Sa dulo ay sinabi ni Robin na sinakripisyo ni Mariel ang kanyang panlabas na kaanyuan para mapanatiling healthy at maibigay ang pangangailangan ng kanilang bunsong anak.

Idinagdag pa ni Robin na dapat ang mga ina na katulad ni Mariel ay dapat sinusuportahan at hindi ginagawang katatawanan.

The post Robin Padilla, ipinagtanggol ang asawang si Mariel Rodriguez sa mga nangungutya dito dahil sa kanyang pagtaba appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments