Viy Cortez at Cong TV, pinahanga ang mga netizens dahil sa ganda at laki ng kanilang ipapagawang bagong tahanan

Lahat ng pangarap ay maisasakatuparan kapag ito’y may kalakip na pag sisikap, tiwala at takot sa Diyos. Lalong mas madali ang pagkatupad ng iyong mga pangarap kapag ikaw ay napapalibutan ng mga tama at angkop na mga tao. Yung tipong sasamahan at susuportahan ka sa buhay sa hirap man o sa ginhawa.

Credit: @viycortez Instagram

Napakasarap na makamit ang iyong mga pangarap kung ito ay alam mong pinag hirapan mo, at higit sa lahat ay kasama ang iyong mga mahal sa buhay.

Credit: @viycortez Instagram

Ibinahagi ni Viy Cortez sa kanyang Instagram post ang larawan ng kasama ang kaniyang anak na si Kidlat at buhat-buhat ng kanyang partner na si Lincoln Velasquez, o mas kilala bilang CongTV, ang kanilang pangarap na Payamansion 2.0.

Credit: @viycortez Instagram

Matagal din nila itong pinagplanuhan. Sa mga videos nila sa youtube noong taong 2020, napapag usapan na nila ang tungkol sa kanilang pangarap na bahay.

Credit: @viycortez Instagram

Ayon sa post ni Viy, talagang matagal nang pinangarap niya na mabigyan ng sariling bahay ang kaniyang mga magulang. Ito ay naisakatuparan niya sa tulong na rin ng kanyang sipag, tiyaga, at pag tutulungan nila ni CongTV. Pagkaraan ng 2 taon, bahay naman nila ang kasalukuyang pinapatayo na nasabing itinatayo sa may Silang, Cavite.

Credit: @viycortez Instagram

Napaka ganda at prestihiyoso ang disenyo ng naturang bahay. Di naman ito tatawaging “Payamansion 2.0” kung hindi ito talagang pinagplanuhan at pinag ukulan ng oras. Wala pang nailalabas na estimate ang nasabing bahay pero sa disenyo nito, malalaman at mahahalata na milyon talaga ang magiging halaga nito.

Credit: @viycortez Instagram

Umani ng mahigit 42,000 likes ang naturang post ni Viy at nadadagdagan pa ito. Di maikakaila na ang lovely couple ay gustong gusto ng mga netizens at madami din ang bumabati sakanila sa pamamagitan ng comments. Maraming ring mga nakasama nila sa kanilang mga proyekto sa Youtube at Facebook ang bumati sa kanilang dalawa.

Credit: @viycortez Instagram

Talaga namang madami din ang na-inspire sa kanilang “success story”. Hindi man nawawala ang mga bumabatik0s sa kanilang dalawa pero ang mahalaga ay nakatuon at nakatut0k lang sila sa kanilang mga pangarap sa buhay. Ika nga ni CongTV sa kanyang mga vlogs, paweeer!

Credit: @viycortez Instagram

The post Viy Cortez at Cong TV, pinahanga ang mga netizens dahil sa ganda at laki ng kanilang ipapagawang bagong tahanan appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments