Anak ni Nadine Samonte na si Heather, masayang nagdiwang ng kanyang ika-6 na taong kaarawan

Masayang masaya si Nadine at kanyang asawa na si Richard Chua ng ipag diwang ang ika-anim na kaarawan ng panganay nilang anak na si Heather Sloane. Ginanap ang kaarawan ng kanilang panganay sa isang indoor playground sa Alabang.

Credit: @nadinesamonte Instagram

Mahilig ang anak nila na si Heather sa teddy bear, na surpresa ang kanilang anak ng lumabas ang malaking teddy bear, na agad namang niyakap ng kanilang anak. Masayang ibinahagi ni Nadine sa kanyang Instagram ang mga kuha sa kaarawan ng anak.

Credit: @nadinesamonte Instagram

Makikita rin dito ang kanyang dalawa pang anak na laging naka karga kay Nadine ang kanyang bunsong anak na si Harmony Saige na pinanganak niya noong nakaraang taon Nobyember. Karga naman ni Richard ang kanilang anak na lalaki na tatlong taong gulang na si Austin Titus.

Credit: @nadinesamonte Instagram

Dumalo ang ilang personalidad sa kaarawan ni Heather tulad ni Alice Dixon. Nasa larawan din ang nanay ni Richard ang beteranang akters na si Isabel Rivas.

Nag salita si Nadine ng kanyang birthday wish sa anak at ito ang kanyang sinabi,

Credit: @nadinesamonte Instagram

“Happy birthday my sweet Heather. Now 6 yrs 0ld kana pero y0u will always be my baby pa din. Y0u are my 3verything and Mama will always be here for you. Kahit pasilip silip nlng ako sa school mo. I l0ve you s0 much my Heather. I know you are s0 excited to see your friends and classmates, so let’s enjoy your day and our mini vacation. So proud of you my love”.

Credit: @nadinesamonte Instagram

Talaga nga namang kitang kita ang pagiging full time Mom ni Nadine kahit siya ay mag babalik na sa pagiging artista.

Meron siyang bagong trabaho at katambal nga niya rito ay si Dion Ignacio na kanyang kasamahan sa Star Strvck isang reality show sa GMA na kung saan ay isa si Nadine sa kauna unahang batch, kabilang ang mga sikat na artista na ngayon na sina Jennylyn Mercado, Cristine Reyes, Katrina Halili, Sheena Halili, Mark Herras at marami pang iba.

Credit: @nadinesamonte Instagram

Tunay ngang kahit gaano pa ka busy si Nadine ay naipapasyal parin nila ng kanyang asawa ang kanilang mga anak, mahilig ang mga itong mamasyal at kamailan lang nga ay nag Baguio sila. Sinabi ni Nadine na nag enjoy ang mga anak niya sa Baguio.

Credit: @nadinesamonte Instagram

Talaga namang lahat ay gagawin at ibibigay nila sakanilang mga anak para sumaya ang mga ito, lalo na ang isang birthday kids party na kung saan ay hinding hindi makakalimutan ng bata hangang sa ito ay lumaki at magkaisip.

Credit: @nadinesamonte Instagram

Kahanga hanga ang pagiging ina at artista ni Nadine napapagsabay niya ito ng hindi nag kukulang sa mga anak, sa tulong narin ng kanyang asawa na si Richard.

The post Anak ni Nadine Samonte na si Heather, masayang nagdiwang ng kanyang ika-6 na taong kaarawan appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments