Tignan ang nakakagoodvibes na family pictures nina Cong,Viy at Baby Kidlat

Lahat tayo may “first time” sa kahit na anong bagay na ating nagagawa o magagawa pa lamang. At may kung ano sa mga first time na nagiging core memory ito kung kaya sa bawat mga una pa lamang na gagawin ay sinisiguro nga natin na magiging the best experience ito.

Credit: @viycortez Instagram

Ngunit kakaiba pa din talaga ang mga gimik sa bawat “first time” kung saan ay nasa momentum, kung baga “moment” iyon na bagamat maiksi ay nakakatuwa.

Credit: @viycortez Instagram

Tayo, hinahanda talaga natin ang lahat para maging memorable sa ating mga mahal ang bawat first time, nakakapag isip tayo ng kung anong maaring twist sa mga bagay na normal lang naman na ginagawa at tinatyaga natin na makuha ang “moment” sa bawat experience na iyon.

Credit: @viycortez Instagram

Tuwang tuwa sa kanyang Instagram post si Viy Cortez ng magpa picture nga silang mag pamilya. Paano ba naman kasi, itong si Cong TV ay hind nga naman pumapalya na tayo ay patawanin at dalhan ng saya.

Credit: @viycortez Instagram

“Sabi ko mag green siya kase first family pic namin😭” caption ni Viy sa post kung saan ay makikita ang pag halakhak ni Viy sa kanyang asawa na doon ay nakasuot pa nga ng bistida at tila hindi alam ang ginagawa.

Credit: @viycortez Instagram

Laughtrip nga kung mamasdan ito, bagamat ganoon ay ang mga netizen ay Nakita itong “cute” dahil na din sa effort na ginawa ni Cong para maging memorable ang kanilang first family picture, kung saan ay naka kulay green silang lahat.

Credit: @viycortez Instagram

Umabot na nga ng 340, 430 plus likes ang nasabing larawan na talaga namang kinagiliwan ng mga nakakita, “hahaha omg🤣”, “Hahaha cutie😂”, “Naririnig ko tuloy sa utak ko kung paano tumawa si Viy 😂” “unique family picture ever❤❤” at marami pa ngang lubos na natuwa.

Nito lang ding buwan nang si Viy at Cong TV ay ni welcome ang kanilang unang baby! Na tinawag nga nilang Kidl@t.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Viycortez (@viycortez)

Si Viy Cortez ay Cong TV ay ang kinikilalang most popular content creators dito sa Pilipinas, na umaabot na nga ng 5.92 million at 10.3 million subscribers sa YouTube.

Sa huli, isa ngang memorable ang first family picture ng pamilya nila Cong TV.

The post Tignan ang nakakagoodvibes na family pictures nina Cong,Viy at Baby Kidlat appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments