Regine Tolentino at kanyang pamilya, kinagiliwan ng mga netizens dahil sa kanilang nakakatuwang pictorial

Ang larawan ay nag ku-kwento nang maraming alaala. Pasko na naman at maraming mga kaganapan ang talaga nga nating aabangan, pero bago ang lahat alam nating gustong gusto ng bawat isa ang pag kuha ng litrato para makapaglakip ng mga alaala, na pra naman ating mabalikan kahit pa sa larawan na lang.

Ang pamilya ni Regine Tolentino ay isa sa mga pamilya na talaga ngang may pa pictorial pa bago dumating ang pasko. Ginanap ang kanilang family photo sh00t sa isang studio sa Quezon City ni Ms. Christine Kiac.

Una ay pinakita ni Regine ang studio at mga background na kanilang gagamitin sa pag pa pictorial nang kanyang pamilya. Sinabi nya na nag handa sila ng mga outfit na mag ma-match sa mga backdrop. Una dito ay ang jewel tones. Na ang suot nya ay blue sleeveless dress na naka match sa kanyang kwintas na gold chain.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Regine Tolentino (@reginetolentino)

Habang si Rayne ang isa nyang dalagang anak ay nag suot nang maroon na sleeveless din na dress at si Rosie ang maliit pa nilang anak ay naka mustard na sleeveless dress din at si Regie ay naka green namang longsleeve at ang kanyang asawa na si Dondi Narciso naman ay naka satin na polo.

Ang sumunod namang motif ng kanilang damit sa sunod na layout ay pang winter na mga damitan na may iba’t ibang prints. Pang huli namang damit ay comfy sleepwear, para sa kanilang white set up at jewel tone backdrop. Ito ay kulay orange at may print na polka dots na puti.

Makikitaan na sobrang nag e-enjoy ang buong pamilya sa kanilang photo sh00t, at kahit pa nakakapagod ay hindi naman nawawala ang ngiti ng buong family. Sa pag procced ng pag litrato sa kanila ay talaga namang ready na ready ang buong pamilya at todo postura, ngunit hindi mawala ang pagiging natural ng kanilang closeness kahit pa nililitratuhan lamang sila.

Tunay nga na ang sarap pag kasama mo ang iyong pamilya lalo na ngayong pasko. Hindi makakaila na bawat isa, hinahangad makasama ang mahal sa buhay sa mga panahong ganito ka espesyal, kung kaya talagang pag naririyan na sila sa tabi natin, ang ganitong simpleng pagkuha lamang ng larawan, ay talagang nakakapag patunaw nang puso. Nakakapagod, pero napaka fulfilling, diba mareng Regine?

The post Regine Tolentino at kanyang pamilya, kinagiliwan ng mga netizens dahil sa kanilang nakakatuwang pictorial appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments