Heaven Peralejo, nakapagtapos na ng pag-aaral na may kursong Business Management

Palaging sabi sa atin ng magulang natin na kahit anong mangyari dapat ay makapag tapos tayo kahit pa mahirap ang buhay, pagkat ito na lamang ang maipapamana nila sa atin.

Dahil base sa ating kultura napaka halaga ang makapagtapos, sapagkat ayon sa ating mga Pilipino, “ang kayamanan ay nauubos ngunit ang pinag aralan ay kailanma’y di mawawala” at ito nga’y totoo namang talaga.

Credit: @heavenperalejo instagram

Si Heaven Peralejo, 22 taong gulang na aktres ay ibinahagi ang magandang balita sa kanyang mga kaibigan at maging followers sa Instagram nang sya ay nag post ng kanyang graduation photo.

“I honestly never thought magagawa ko. Although I have to admit, finishing school never really crossed my mind anymore since I’m already earning. (ANG HIR@P!! Kaway kaway sa mga nakakarelate),” sabi nya.

Credit: @heavenperalejo instagram

Sa kabila ng paunang pag-iisip na ito, inihayag niya kung paano siya laging ipapaalala sa kanya ng kanyang ina na ang pagtatapos ng kanyang pag-aaral ay magbibigay sa kanya ng mas maraming oportunidad sa labas ng industriya ng showbiz.

Credit: @heavenperalejo instagram

‘Ang pag aartista pwedeng mawala anytime. Pero kung nakatapos ka pwede mong magamit ito to change career,’”pag echo nya sa sinabi ng kanyang ina. “Sampol pa lang yan sa mga sermon ni Mom dagdagan pa ng Barangay Family (eto talaga ang nakakatak0t sa lahat!!!

Parang lagi kang haharap sa thesis defense). That being said, best support system talaga ang family. I’m very thankful for them, they keep me gr0unded.”

Credit: @heavenperalejo instagram

Matapos yon ay naghandog sya ng pasasalamat sa kanyang ina. “Thank you for all your sacrifices and for imparting different morals and values in me. In times of self-doubt, lagi kang nandyan to remind me of who I am, knowing my capabilities more than I do.

Credit: @heavenperalejo instagram

With that, I’m forever grateful and indebted to you. The lessons and insights that this journey has imparted in me have made it much more memorable. Through it all, and what lies ahead — I am very grateful and blessed. THANK YOU LORD! Lahat ng ito [ay] Because of YOU!!!” ani nya.

Credit: @heavenperalejo instagram

Nagtapos si Heaven sa degree na Business Management sa Southville International School affiliated with Foreign Universities (SISFU). Ito ang proof na mommy knows best talaga!

Credit: @heavenperalejo instagram

The post Heaven Peralejo, nakapagtapos na ng pag-aaral na may kursong Business Management appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments