Anak ni Jhong Hilario na si Baby Sarina, kinagiliwan ng mga netizens dahil sa kanyang suot na costume

Darna!

Malapit ng marinig ang sigaw na iyan sa Philippine Television. Marami na ang excited at talagang hinihintay ang pagbabalik ng kilala nating superhero ng Pinoy na si Darna. Patok na patok nga naman si Darna sa mga Pinoy. Isa kasi siya sa mga iniidolong hero ngayon ng mga Pinoy dahil talagang nakakarelate ang mga Pilipino sa kanya.

Credit: jhonghilario instagram

Isang sigaw lang ni Darna ay talaga namang maliligtas ka niya sa mga masasamang loob.kaya talagang idolo siya ng lahat ng mga Pinoy, bata man o matanda.

Sa ngayon, kasalukuyang hinihintay at inaabangan ang paparating na bagong serye ng Darna. Si Jane de Leon ang aasaharang lilipad at sisigaw bilang Darna. Pero, mukhang may chikiting version na si Darna.

Sa isang post ni Jhong Hilario, makikita ang kanyang baby na talaga namang naka full costume ni Darna. Bagay na bagay kay baby ang kanyang suot kaya marami ang tuwang tuwa dito.

“DARNA tuloy na tuloy na talaga! 😃 Directed by the one and only Chito Roño. @sarinahilario @chitorono @officialdarna @imjanedeleon #sari #darna #chitoroño,” caption ng post ni Jhong.

Cuteness overload naman talaga ang makikita sa kanyang baby. Napakabibo ni baby at talagang cute na cute siya sa kanyang costume.

Supportive naman talaga itong kanyang daddy. Proud daddy si Jhong sa kanyang cutie patootie na baby. Marami namang netizens ang nagsasabi na napakabibo at cute ng anak ni Jhong.

Bilang sample king, marami din ang nagbibiro na sana daw ay maging sample princess ito. Hindi naman ito malabo lalo na at sample king at talagang magaling si Jhong. Kanino pa ba ito magmamana?

Narito ang ilan sa kanikang mga komento:

“get ready!!! bka may biglang may tumawag sayo kunin yan na baby darna sa movie!🤣🤣🤣
“Cute cute nmn ni baby sarrie”

“Soo Cute and adorable ❤ baby Sarina”
“Oh my gosh, she is sooo cute. 🥰
“So adorable little darna Sarina!💕💕💕

The post Anak ni Jhong Hilario na si Baby Sarina, kinagiliwan ng mga netizens dahil sa kanyang suot na costume appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments