Tignan ang b0nggang kasal ni Hashtag Nikko at kanyang long time girlfriend na si Cielo Eusebio

Best wishes sa bagong kasal na sina Nikko Natividad at ang kanyang asawang si Cielo Eusebio noong October 31, Linggo sa Club Ananda, Nasugbu, Batangas.

Credit: @hashtag_nikko instagram

Masayang masaya ang lahat para sa hashtag member na si Nikko dahil sa wakas ay naikasal na siya. Makikita sa mga pictures at mga posts ang tuwa at saya sa kanila. Ilan sa mga dumalo sa nasabing kasalan ay ang kanyang mga kasamang Hashtags members na si Zeus Collins, Ronnie Alonte, McCoy de Leon, Kid Yambao, Jimboy Martin, at Tom Doromal.

Credit: @hashtag_nikko instagram

Bukod sa kanila, dumalo din ang ibang mga artistang sina Loisa Andalio, Barbie Imperial at si Jackie Gonzaga.

Maaalalang noong Agosto ay inanunsyo ni Nikko ang kanilang engagement. Sa isang vlog na kanilang inilabas, mapapanood na pinr@nk pa nila ang kanilang mga kaibigan na sila ay ikakasal na. Pero ang ending ay totoo naman ito.

Credit: @hashtag_nikko instagram

“Walang halong pr@nk. Totoo po ‘yon ‘yung mga pagtawag namin na ‘yun nga—we will get married. Sa mga hindi po nakakaalam, hindi pa po kasi talaga kami kasal. Pero siyempre nagli-live in na kami, may anak na kami.

Credit: @hashtag_nikko instagram

Sabi nga ni Aiden that’s the right thing to do. Oo, parang mag-asawa na rin talaga kami, may anak na kami. Pero iba pa rin ‘yun nga, ‘yung tama, may basbas, nasa batas. At siyempre ‘yon ‘yung sign na talagang kayo na talaga,” saad ni Nikko.

Credit: @hashtag_nikko instagram

Dagdag naman ni Cielo, wala daw magbabago sa kanilang dalawa at mas lalalim pa ang kanilang pagmamahalan.

“Pero walang magbabago kasi nga bago pa niya maisip na pakasalan ako, ‘yung pagsasama namin ay parang mag-asawa na talaga. Siguro mas magiging strong ‘yung b0nd namin. Kasi iba kapag alam niyong kasal na kayo,” pahayag ni Cielo.

Credit: @hashtag_nikko instagram

 

The post Tignan ang b0nggang kasal ni Hashtag Nikko at kanyang long time girlfriend na si Cielo Eusebio appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments