New look ni AJ Raval, usap usapan ngayon ng kanyang mga fans

“Like father, like daughter”

Iyan nga naman ang laging sinasabi. Kung ano nga naman daw ang talento, ugali o hitsura ni father ay siya ding mamamana ng anak. Ika nga nila, kung anong puno siyang bunga.

Credit: @ajraval_fp instagram

Gaya na lamang ng mag-amang artista na sina AJ Raval at Jeric Raval. Hitsura pa lang ay talagang magkamukha ang dalawa. Kaya naman, noong unang beses na lumabas sa TV si AJ ay di na nabigla ang madla.

Pero, mukhang di lang hitsura ang nakuha niya sa ama kundi maging kanyang aura, dating at talento sa pagiging action star. Mukha kasing may bagong proyekto at bagong movie si AJ na kanyang napaghahandaan.

Credit: @ajraval_fp instagram

Sa isang post ni AJ sa kanyang social media, makikita ang kanyang new look dito. Bagamat ang iba’y sinasabi na ang new look ay nangangahulugan na bagong buhay. Iba pala itong si AJ.

Mula kasi sa aura, hairstyle at maging angas ni AJ ay nag-iba. Lahat daw ng ito ay para sa kaniyang bagong proyekto. No doubt na mag tetrend ito dahil kapag ang mga celebs ay may new look ay pinaguusapan talaga ito.

Credit: @ajraval_fp instagram

Pinag-usapan at nagtrending nga naman ang new look niyang ito. Napakaganda at bagay na bagay kay AJ ang kanyang bagong hair style na ito. Swak na swak daw ito para sa kanyang bagong role.

“New look for the new project!! 🥂 #ActionMovie #DirectedbyRomanPerezjr,” lahad ni AJ sa kanyang caption.

 

Credit: @ajraval_fp instagram

Isang bagong venture ang action movies para kay AJ. Siguradong may papatunayan at ibubuga si AJ dito. Wala namang proyektong hindi binigyan ni AJ na magaling na pagganap ang mga ito.

Kaya naman, big help din sigurado ang mga payong maibibigay ni Jeric para sa kanyang anak. Sa kabila nga mga isyu na ibinabato kay AJ, nanatili pa rin siyang matatag at nagtuloy tuloy at mas umusbong ang kanyang karera sa showbiz.

Credit: @ajraval_fp instagram

The post New look ni AJ Raval, usap usapan ngayon ng kanyang mga fans appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments