Tingnan ang nakakatuwang childhood pictures ng mag-asawang Billy at Coleen Crawfords

Talagang nakakatuwa ang throwback photo na ito nina Billy at Coleen sa fan page ng mag-asawa sa instagram. May caption naman ang post na “The cutie young Crawfords ”. Mapapatunayan sa nasabing post na napakaganda talaga ng mga facial features nila.

Credit: crawfords_love instagram

Makikita sa buong left side ng collage ay ang isang full body picture ni baby Amari na mukhang nakuhanan sa naganap niyang photosh00t bilang endorser ng isang napakalaki at kilalang clothing brand sa Pilipinas.

Sa bandang right side naman ng collage ay ang throwback picture nina Coleen at Billy. Childhood photo ito ng mag-asawa. Bata pa lamang ay kitang-kita na agad ang kanilang mga artistahin na aura at itsura.

Credit: crawfords_love instagram

“Coleen Garcia + Billy Crawford = Baby Amari” dagdag pa sa caption ng nagpost.
Sa tatlong litratong ito kung saan naka-closeup o focus sa kanilang mga mukha ay makikita talaga ang kanilang mga features.

Credit: crawfords_love instagram

Kaya naman naipagkumpara din ng mga netizens ang tatlo sa bawat isa upang malaman kung ano nga ba ang mga nakuha o namana ni baby Amari sa kanyang mga celebrity parents at kung sino nga ba ang kanyang kamukha sa dalawa.

Credit: crawfords_love instagram

Nahanap ang mga pictures na ito sa mga ibinahagi nina Billy at Coleen sa kanilang mga social media account pati na rin sa official fan page ng mga Crawfords.

Ang mga throwback pictures nina Coleen at Billy ay ibinahagi ng isang fan account sa Instagram. Kung bibisitahin ang account na may username na @crawfords_ love ay mahahanap ang mga ito.

Credit: crawfords_love instagram

Hindi lang din ito ang kanilang ibinahagi dahil nandoon rin sa nasabing post ang ilang pang throwback pictures ng celebrity couple. Makikita naman sa comment section ang mga tanong mismo ng account na nagpost na “Mixed ba si baby Amari? ” at “ganda ng genes no?”

Credit: crawfords_love instagram

Mababasa ang mga reply ng mga netizens na sumasang ayon na napakaganda ng genes ng pamilya at ang mga features umano ni Amari ay mix. May mga namana siya sa kanyang daddy pati na rin sa kanyang mommy.

Credit: crawfords_love instagram

Kung mayroon man similarity ang tatlo ay ayun ang kanilang napaka-genuine na mga smiles. Nakakahawa nga naman talaga ang ngiti ng tatlong babies na nasa collage. “Cuteness overload” ang mga katagang nababagay sa post na ito.

The post Tingnan ang nakakatuwang childhood pictures ng mag-asawang Billy at Coleen Crawfords appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments