Tingnan ang masayang pamamasyal nina Ellen at Derek kasama ang cute na cute na baby na si Elias

Sa latest post ni Ellen Adarna sa kanyang Instagram account ay ipinasilip niya ang mga kaganapan sa naganap na quality time kasama ang mga mahahalagang tao sa kanyang buhay.
Sa ibinahaging Instagram post ng celebrity nitong September 1 ay makikitang nakasama at naka-bonding niya ang anak niyang si Elias, fiancé niyang si Derek at pati na rin pamilya ni Derek.
Credit: Derek Ramsay instagram
Makikita rito ang mga captured family pictures nila pati na rin mga moments ni Elias. May caption naman ang post ng isang heart emoji. Masasaksihan sa iilang mga ibinahaging moments kung gaano kaganda at kalaki ang nabubuong pamilya nila.
Credit: Derek Ramsay instagram
Namasyal sina Derek, Ellen, Elias at pamilya ni Derek sa isang malawak na lote. Mukhang silang lahat ay nakapag-relax dito dahil presko at payapa ang vibes. In-enjoy naman ni Elias ang lugar at bibong bibong nakipagbonding sa bawat miyembro ng pamilya.
Credit: Derek Ramsay instagram
Makikita rin naman sa nasabing post ang isang video kung saan kinakausap ni Elias ang kaniyang mga future step grandparents, ang mga magulang ni Derek. Masasabi ring maganda ang nabubuong relasyon kina Derek at Elias na palaging nagba-bonding at makikitang close na close sa mga pictures at videos na ibinabahagi sa social media.
Credit: Derek Ramsay instagram
Mapapatunayang lumalaki bilang isang napakabibong bata ang baby boy. Hindi lamang siya naglalaro kundi nakipag-usap na rin sa mga nakapaligid sa kanya. Si Elias ay anak ni Ellen Adarna sa former partner niyang si John Lloyd Cruz na isang kilalang personalidad sa industriya ng showbiz. Masasabi namang maganda ang co-parenting na ginagawa nilang dalawa dahil kitang-kita namang komportable ang bata sa both sides.
Credit: Derek Ramsay instagram
Kailan lamang nang magbahagi rin ng picture si John Lloyd sa kanyang Instagram kung saan kasama niya ang kanyang daddy at Elias sa isang kubo at nagrerelax doon.
Si Derek Ramsay naman ay mayroon ring anak sa ex-wife niyang si Mary Christine Jolly. Siya ay si Austin Ramsay na ganap nang binata ngayon. Nakilala at nakasama na rin siya ni Ellen.
Credit: Derek Ramsay instagram
Maaalalang noong buwan ng March nang mag-propose si Derek kay Ellen kung saan naging witness ang mga taong malalapit sa kanila tulad ng kanilang mga pamilya at kaibigan.
Credit: Derek Ramsay instagram
Isa sa mga nandoon at naka-witness sa proposal ay ang ina ni Derek na naging emosyonal dahil kitang kita niya umano ang pagmamahalan ng dalawa. Kaya naman itinuturi na rin niyang parang sariling anak ang kanyang soon to be daughter-in-law.

The post Tingnan ang masayang pamamasyal nina Ellen at Derek kasama ang cute na cute na baby na si Elias appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments